"WALA ka na yatang balak umuwi, Alyssa?" tanong ng kaibigang si Krissa sa kanya nang minsang tawagan siya nito. "Ano? Nag-e-enjoy ka na diyan?" dagdag pa na wika nito. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Alyssa sa sinabing iyon sa kanya ng kaibigang si Krissa. "Uuwi din ako. Hihintayin ko lang na makabalik si Audrey," sagot niya dito. "Missing in action pa din ba ang kakambal mo? Two weeks na, ah," wika sa kanya ni Krissa. Yes. Dalawang linggo na siyang nandito sa Manila. At dalawang linggo na din siyang nagpapanggap bilang Audrey sa boyfriend at sa pamilya ng boyfriend nito. At sa loob ng dalawang linggo na iyon ay marami nang nangyari. Gaya na lang ng muntik na niyang maisuko ang bataan kay Franco. Sobra siyang nahihiya sa lalaki dahil sa nangyari, dahil hindi lang n

