At dahil sa Mall lang naman sila pupunta ay naisipan ni Alyssa na mga damit na dala na lang niya ang isuot. Sinabihan naman siya ni Audrey pwede niyang isuot ang mga damit nito pero hindi siya komportable na laging nakabistida. Kaya ang isinuot niya ay pantalon at simpleng itim na blouse na itinuck in niya sa loob ng kanyang pantalon. Nag-flat sandals lang din siya para mas komportable siya. Hinayaan nga din niyang nakalugay ang mahaba at itim na buhok. At hindi naman nagtagal ay nakatanggap si Alyssa ng tawag galing kay Franco at sinabi nito sa kanya na nasa baba na ito. At nang marinig iyon ay agad siyang lumabas ng condo para hindi na ito maghintay ng matagal. Agad naman niyang nakita ang kotse nito. Agad naman siyang pinagbuksan ng driver nito sa backseat. "Salamat po," nakangitin

