"WHAT happened to, Callah?" Napatigil si Alyssa nang marinig niya ang tanong na iyon ni Tito Franco habang kumakain sila. Mula nga din sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap ng lahat kay Callah, maliban na lang sa katabi niyang si Franco dahil sumulyap ito sa kanya. Naramdaman nga din niya ang pagpatong ng kamay nito sa tuhod niya para siguro iparamdam muli sa kanya na wala siyang kasalanan. At sa paghawak nito sa tuhod niya ay hindi niya napigilan na mapaigik nang maramdaman niya ang sakit ng mahawakan ni Franco ang gasgas sa tuhod niya. "Nagbi-biskeleta sila sa labas. At pasulong ang kalsada kaya dire-deretso ang sinasakyan niyang bisikleta," sagot naman ni Kuya Francis sa tanong ng Daddy nito. "Are you hurt, Callah?" tanong ni Tito Franco sa apo nito, nang san

