NAPATIGIL si Alyssa mula sa ginagawa nang marinig niya ang tunog ng doorbell mula sa labas ng condo ng kakambal. At sigurado naman si Alyssa na hindi ang kakambal ang nasa labas dahil bakit pa ito magdo-doorbell kung alam naman nito ang passcode ng condo nito? Hindi na din kasi sila nagkausap na dalawa ni Audrey dahil hindi na niya ito nadatnan ng condo ng makauwi siya pagkatapos ng tatlong araw. Halos tatlong araw din kasi siyang nanatili sa opisina ni Franco dahil hindi niya magawang makapaglakad ng maayos dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. At mukhang nabinat pa siya dahil nilagnat talaga siya pagkatapos. At dahil nga sa nangyari ay nagpatawag pa si Franco ng doctor para ipa-examine siya. Sa totoo lang ay sobrang hiya ang nararamdaman niya habang tinitingnan siya ng doctor. At

