SAGLIT lang hindi nakakilos si Alyssa nang halikan siya ni Franco sa labi dahil nang makabawi ay agad niyang ibinuka ang bibig para bigyan ng kalayaan si Franco na halikan siya. Tumaas nga din ang dalawang kamay niya, ang isang kamay ay pumaikot sa batok nito, ang isang kamay naman ay humawak sa buhok nito, hinahaplos niya iyon habang gumaganti siya ng kaparehong intensidad sa halik na pinagkakaloob nito. Pumaikot nga din ang kamay nito sa baywang niya at hinapit siya nito palapit sa katawan nito. At sa sobrang dikit ng katawan nila ay pakiramdam niya ay wala nang hangin ang makakadaan sa pagitan nila. Mas lalo ngang umalab ang palitan na halik na pinagkakaloob nila sa isa't isa. At halos walang magpatalo. At nang sandaling iyon ay ramdam niya ang pag-iinit ng katawan nang maramdaman

