NAPATINGIN si Alyssa sa katabing si Franco nang mapansin niya ang pananahimik nito sa kanyang tabi. At do'n niya napansin na nakapikit ang mga mata nito. Sinilip naman niya ang mukha nito para makita ito ng maayos at niya tuluyang napansin na nakatulog na pala si Franco sa tabi niya. Franco seemed exhausted after working nonstop. Nasaksihan kasi niya iyon sa maghapon niyang pananatili sa opisina nito, halos hindi na ito nagpahinga. May meeting na nga ito ng umaga at may meeting ulit ito sa hapon. Bawat oras yata kay Franco ay mahalaga. Tama nga ang sinabi ni Ate Denisse sa kanya na masyadong workalic ang lalaki. Pero hindi ba ito nag-aalala sa kalusugan nito? Dapay magpahinga din ito paminsan-minsan. Napansin naman ni Alyssa na nahuhulog ang ulo ni Franco mula sa pagkakasandal nito sa

