PAGKALABAS ni Alyssa sa kwarto pagkagising niya kinabukasan ay narinig niya ang pagtunog ng doorbell mula sa labas ng pinto ng condo. Pero nang ma-realize kung sino ang nasa labas ng condo ay dali-dali siyang humakbang sa gawi ng pinto para pagbuksan ito. Alam kasi niyang si Franco ang nasa labas dahil nabanggit sa kanya kagabi ni Audrey na pupunta daw do'n si Franco ng maaga. Kaya nga kagabi din ay umalis na ng condo si Audrey para hindi sila magpaabot na tatlo doon. At ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ni Alyssa nang makita niya ang gwapong mukha ni Franco. "Hi," wika ni Franco sa kanya sa buong-buong boses. Sa halip naman na batiin ito ay bigla na lang niya itong niyakap. Hindi naman nito napaghandaan ang biglaang pagyakap niya dahilan para mapaatras ito. Pero mabilis

