Cy's POV
Lumalim ang paghinga ko nang maramdaman ko na ang mga kamay nya sa ibabaw ng dibdib ko with my clothes still on.
We are sharing sweet kisses, his lips feels so soft on mine and it's making me want more. Dahan-dahan nya akong inihiga sa malambot na sofa habang patuloy pa rin ang paghalik nya sa akin. I bet my lipstick is ruined by now.
"Arghmm."
He groaned.
Bumaba ang mga halik nya sa leeg ko at ramdam ko rin na nag-iiwan sya ng marka sa parteng iyon. Akmang aangal na sana ako sa ginagawa nya nang mabilis na bumaba naman ang ulo nya sa mga binti ko at hinalikan ito. He's gently kissing my legs that made my whole guard down. Hinahabol ko na rin ang paghinga ko dahil sa init nararamdaman ko. I'm stopping myself from moaning by covering my mouth with my left hand sa takot na baka may makarinig sa amin kahit na sa tingin ko naman ay soundproof ang kwartong ito, I'm not sure at mas okay na yung siguradong safe.
I don't know what I am doing right now, this is not even me anymore.
Am I going to have s*x with my client?
"Oh gosh."
I whsipered.
Bumalik ang mga halik nya sa mga labi ko habang muli nanamang nililibot ng malikot nyang mga kamay ang katawan ko.
"Hmm."
He softly moaned. Nabalot ng kakaibang kuryente ang buong katawan ko nang isa-isa nyang tanggalin ang botones ng blouse na suot ko. Hinawakan ko ang kamay nya upang subukan siyang pigilan pero inalis nya lang iyon at nag patuloy sa ginagawa nyang paghubad sa akin.
"Hmm love."
Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang lumabas ang tunay niyang boses na agad kong nakilala kaya't mabilis at malakas ko siyang naitulak sa kung saang direksyon.
Bumilis pa lalo ang t***k ng puso ko nang tuluyan kong makita ang muka nya nang biglang magkaroon ng ilaw ngunit hindi pa rin ganon kalakas ang liwanag dahilan para magmukang romantiko ang buong kwarto.
He... he looks so good right now. Dumagdag pa akong buhok nyang nagulo mula sa ginawa namin kanina. Panay kasi ang hawi at sambunot ko sa buhok nya lalo na nang halikan nya ang mga binti ko.
He's also wearing the same top na sinuot nya dati when he proposed to me. Hinding-hindi ko makakalimutan ang suot nyang puting polo nung araw na yun.
What is he trying to do?
"Au..Austin?!"
Nauutal kong sabi sa gulat habang panay pagmumura sa isip ko. s**t! s**t! s**t! I knew it, it's really him. Siya lang ang lalakeng kayang magpabaliw sa akin ng ganito kabilis gamit lamang ang mga labi at kamay nya.
Nagmamadali akong nagbotones ng blouse ko at inayos ang sarili ko.
"Love, I missed you."
He said with his teary eyes.
Seeing him like this... parang biglang kumirot ang puso ko. Oo, nakakaramdam ako ng awa sa kanya kagaya ng nararamdaman ko dati sa tuwing iiwan ko na sana sya dahil sa mga pangbababae nya pero hindi ko natutuloy dahil sa pagkarupok ko.
Minahal ko si Austin, hindi ko maiiwasan ang ganitong pakiramdam. Matagal din kaming masayang nagsama.
Hindi ko alam kung bakit at paano niya nagawang halikan ako kanina. He can't kiss or even hug me before kasi sabi niya naalala niya lagi yung gabing yun sa tuwing lalapitan niya ako, yung gabing sumira sa aming dalawa. Ang tagal na simula nung huli niya akong hinalikan sa mga labi ko o kahit sa pisngi ko man lang.
"What are you doing here?"
Siya ba talaga yung client na dapat kong kitain ngayong gabi? Did he set me up? Oh gosh, paano nya ako nahanap? Matagal na akong nagtatago kay Austin with the help of Renzo. Malakas ang influence ni Austin at halata namang hindi ko siya kayang taguan without the help of Renzo but still, he found me.
"I... can we.... let's go home love."
He answered.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagmamadaling ipinasok lahat ng gamit na nilabas ko kanina mula sa bag ko.
"Nababaliw ka na."
Sagot ko at akmang aalis na sana nang mabilis nya akong hinila at patalikod na binalot ng yakap nya.
"Austin! What are you doing? Let go of me, please."
Pagpalag ko pero hindi pa rin ako makawala sa mga yakap nya dahil sa lakas nya.
"Cy please, stay. I promise, I promise I will change. I changed love... I'm sorry please. Please forgive me. I'm begging you."
Mababang tonong boses nyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko.
"No Austin, tigilin mo na ako."
"Please Cy, I can't live without you. Let's talk, please?"
Can't live without me? Nagbibiro ba sya? Nakalimutan nya ata bigla lahat ng ginawa nya nung mga panahong nasa kanya pa ako at kung gaano katagal kong nilaban kung ano man kami noon kahit na ako lang mag-isa.
"Usap? Gusto mong makipag-usap? Sige Austin, let's talk."
Sagot ko at padabog na umupo sa sofa pero tiningnan nya lang ako. Alam kong hindi nya ako titigilan at papaalisin kaya ibibigay ko ang gusto nya. Siguro nga kailangan din naming mag-usap para tapusin na kung ano man ang meron pa sa aming dalawa.
"Ano? Akala ko ba gusto mong makipag-usap?"
Tanong ko at umupo na rin sya paharap sa akin.
"Go on, speak. What are you doing here right now Austin? Tell me."
Hinilamosan nya ang mukha nya pagkatapos ay malalim na bumuntong hininga.
"I'm sorry, I'm sorry Cy"
He said but I didn't answer.
"I'm sorry nawala ako. Sorry kung... kung wala ako nung mga panahong nasasaktan ka at kailangan mo ako. Sorry kung ako yung dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Patawad hindi kita na protektahan nung gabing yun.... hindi man lang kita na protektahan."
I suddenly don't know what to say. Halata ang pagpigil ni Austin sa pag-iyak nya at hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. Kahit na sobrang galit ako sa kanya, hinding-hindi ko magugustohan ang makita syang ganito, makita kaming ganito.
"Natakot ako, sobra. Ako yung naging dahilan ng lahat ng mga hindi magandang nangyayari sa buhay mo pero gusto ko... gusto ko kasama mo pa rin ako, gusto ko kasama pa rin kita."
Austin started crying at parang gusto ko na rin maiyak.
"Nung mga panahong akala ko hindi na kita mahal... akala ko hindi na kita mahal pero ang totoo takot lang ako... takot ako na mauna kang mawalan ng pagmamahal para sa akin at iwan mo ako."
Panay na ang paghinto nya sa pagsasalita dahil sa paghikbi nya sa kakaiyak. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Kilala ko si Austin, ako ang pinaka nakakakilala sa kanya and I know that he's a good man but... I can't do this anymore. Masyadong masakit yung nangyari para sa akin.
"I'm sorry Austin."
Tanging sagot ko sa lahat ng sinabi nya.
"No, no, no love, please, no."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. Pinunasan ko ang mga luha nya at diretso siyang tiningnan sa mga mata nya. I'm just staring at him without realizing na may mga tumutulo na rin palang mga luha sa mga mata ko.
"I'm sorry Austin, alam kong nasaktan din kita pero... binigay ko sayo lahat, binigay ko sayo yung buong ako pero... naubos lang ako... I..."
Mahaba akong napa-ihip sa hangin habang pinipigilan ang mga luha kong muling gustong kumawala sa mga mata ko.
"I can't do this anymore Austin. Hindi man natin nagawa yung mga pangarap natin pero... salamat. Maybe one day I will forgive you but for now... please let me go."
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Austin nang banggitin ko ang mga salitang yun. Hinawakan nya ang kamay kong nasa pisngi nya at hinalikan ito.
"Please Cy, pwede pa naman nating subukan 'di ba? Please... please Cy. Just give me one more chance. I'm sorry for everything, alam kong walang sapat na excuse akong masasabi para lang balikan mo ako but please come back to me love. Alam kong hindi ko nagawa yung mga bagay na pinangako ko sayo sa harap ng Diyos, I know that I let you down and I know how much I don't deserve you but... but I can't just let you go my love, you are my life Cy."
Pagmamakaawa ni Austin pero umiling ako at unti-unting bumitaw sa pagkakahawak nya sa akin.
"I'm sorry."
I said and left.
Tumakbo ako paalis dahil alam kong hindi na ako pwedeng manatili pa nang mas matagal. Nagmamadali akong pumara ng taxi at sumakay pauwi. Patuloy pa rin ang pag iyak ko sa sasakyan at walang kahit anong salita ay inabutan ako ng taxi driver ng tissue.
Pilitin ko mang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak ay hindi ko kaya.
Austin's POV
Nakita kong humakbang nanaman palayo sa akin si Cy. Each step she takes breaks my heart. Bawat hakbang nya ay ramdam ko kung gaano kaliit yung pag-asang bumalik sya sa akin. Kaya kong ulit-ulitin ang mga nangyari noon kung kinakailangan, kung paano at gaano kahirap ko siyang nakuha basta bumalik lang ulit siya sa akin.
I can't live my f*****g life without her pero wala, naulit nanaman. Pinapanuod ko nanaman siyang lumayo sa akin.
This is all my fault, wala akong palusot o rason na kayang ibigay. Hindi ko itatanggi lahat ng ginawa ko sa kanya. Alam kong muka akong tanga pero kaya kong magmukang tanga ng paulit-ulit basta para sa kay Cy.
Hindi ko alam kung may katapusan ba ang mga luha ko pero inubos ko na muna lahat ng kaya ko bago ako naglakad paalis ng restaurant. Everything is already paid kaya ayos lang na umalis na ako. I'm not drunk but I seem and feel like drunk. Wala akong sapat na lakas para maglakad ng tuwid at patuloy pa rin ang paghikbi at paghabol ko sa hininga ko.
Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin o kung ramdam ko pa ba ang salitang kinabukasan. I can't feel life without Cy, it's a waste to live without her love. All this time pakiramdam ko yung buhay nya lang ang bumubuhay sa akin. I'm not sure if that makes any sense but that is what I feel.
Hindi ko sigurado kung gaano na ako katagal na naglalakad pero medyo sumasakit na ang mga paa ko at medyo nangangalay na rin. Naramdaman kong nagvi-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nang tingnan ko ay tumatawag si Mico.
"Kamusta choi?"
Excited na tono niyang tanong.
"Let me die tonight."
Walang ka buhay-buhay kong sagot.
"Oh s**t, we are coming."
He said and the call ended.
I guess that answers his question.
Malalim akong bumuntong hininga at pumasok sa loob ng isang convenience store. Binuksan ko yung ref at kumuha ng beer nang mapahinto ako. Alam kong wala nang pake sa akin si Cy but... f**k it, I will just get a small coke and pretend that it's beer.
"Good evening sir."
Just evening, goddamn it.
"Hmm."
I answered.
"25 pesos po sir."
The young lady said at nag-abot ako ng 50 pesos.
"Keep the change."
I said.
"Thank you sir, please come again."
The lady smiled.
"Tell that to my wife."
"Po?"
She asked looking so confused. I also don't know why I just said that.
"Nothing, thank you."
Lumabas na ako ng convenience store at nagulat ako nang makita ko si Mico and Travis. Ang bilis nilang makarating.
"He's alive, he's alive"
Mico sighed in relief nang makita ako habang nakahawak pa sa dibdib nya. Halatang tumakbo ang mga loko dahil medyo hinihingal pa.
"With a coke, yeah"
Travis added.
"I can't drink beer."
Sagot ko at nilaklak yung coke na para bang beer, just let me pretend that it's a beer.
"Why is that?"
Bakit nga ba?
"I don't even know."
My wife doesn't like it when I drink, I don't know if she still care but I hope she does.
"Mukang hindi ka okay kaya hindi ko na tatanongin, so, ano nang plano mo choi?"
Travis asked.
"I don't know, mukang ayaw na talaga ni Cy."
Fuck, pakiramdam ko maiiyak nanaman ako.
"So wala na? Suko na?"
Mico asked.
"I don't know yet."
Blangko at hindi pa ako makapag-isip ng maayos ngayon. Ano pa nga bang magagawa ko kung ayaw niya na talaga?
"Hindi ko alam choi pero kahit ako hindi pabor sa parte ni Cy na balikan ka eh."
Travis said, gusto ko man syang tingnan ng masama at saktan ay hindi ko ginawa because he's right.
"Pero kaya ka namin tinutulungan kasi alam namin kung gaano mo kamahal si Cy at alam din namin yung totoong ikaw."
He added.
"That's true. Pinanuod namin kayong magligawan, maging kayo, at ikasal. We saw how beautiful your love is. That's cheesy, I know."
Sabi rin ni Mico.
"And yet, you guys are still single."
I joked to remove the serious vibe because I don't want to cry in front of them. But seriously, these guys are still single.
"Oh come on choi, walang ganyanan."
"Thank you mga choi."
Nakangiti at seryoso kong sabi.
"Tara beer, hindi kami magsusumbong kay Cy."
Mico joked and I smiled bitterly.
We ended up getting beer at the convenience store and decided to drink at Travis house.
I don't want to go home unless Cy is there which is, I guess, impossible to happen right now.