Chapter 17: Cold

1603 Words
Cy's POV Maaga akong nagising ngayon para maunahan ko si Austin gumawa ng breakfast. Limang araw pa lamang kaming magkasama ulit pero pakiramdam ko ang dami na kaagad na nangyari. Sa dami ba naman ng mga pakulo niya sa buhay ay talagang hindi ka ma-bobored kasama siya. He always makes sure that I'm entertained by saying random and annoying yet funny things to me. Pumunta ako ng kusina to check ingredients that I need at nang buksan ko ang ref ay kulang ang ingredients na available para sa naisip kong lulutuin. Even the main ingredient is nowhere to be found kaya nagluto na lang muna ako ng garlic rice, hotdogs, and sunny side up egg then I also sliced mango for dessert. Aayain ko na lang siguro si Austin mamaya para mag-grocery dahil halos walang laman ang ref namin. Masyado rin kasi siyang busy para mag-abala pa doon. Nang matapos akong magluto at maghanda ng pagkain sa hapag kainan ay umakyat na ako ulit sa kwarto para gisingin si Austin na mahimbing na natutulog. "Austin." Pagtawag ko sa kanya habang mahinang tinatapik-tapik ang braso niya. "Austin wake up, kakain na tayo." Pagtawag ko ulit sa kanya pero nag-iba lang sya ng posisyon at tinalikuran ako. Aba, ayaw mong magising ah. "1...2... AH!" Malakas kong ibinato ang sarili ko sa kanya pero ako ata ang nagulat nang mabilis niya akong hilain at tandayan. "Hoy! Gising ka na ano?" Kanina pa siguro 'to gising at nagkukunwari lang na tulog. "Austin ang bigat mo, hindi ako makahinga." Reklamo ko habang tinutulak siya and thankfully he let go of me. "Tara na kumain na tayo." Malambing na pag-aya ko sa kanya. Kakagising niya lang kaya iiwasan kong magtaray basta wag niya lang akong inisin. "Sunod lang ako." Sagot niya at nauna nang tumayo at dumiretso sa loob ng bathroom kaya naman inayos ko na lang muna yung kama. Natapos na lang ako sa pag-aayos ng kumot at mga unan pero hindi pa rin lumalabas ng bathroon si Austin. Maybe he's showering kaya bumaba na lang muna ako ulit para doon na siya antayin. Nakaupo lang ako habang takam na takam na nakatingin sa mga pagkain nang may mag-doorbell ng sunod-sunod na parang batang nang-titrip. Kunot noo akong tumayo at binuksan ko ang pinto at kaagad kong natanaw ang dalawang makulit na kaibigan ni Austin na nakatayo sa labas ng gate. Anong ginagawa nila dito ng ganito kaaga? Lumapit ako sa gate at pinagbuksan sila. "Good morn..." "CY?!" Sabay at oa nilang sigaw kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko. "Um? Hi?" Bati ko sa kanilang dalawa. "Bat ka nandito? Okay na kayo?" Tanong ni Travis. "Um?" Okay na nga ba? 'Di ba kasi contract lang naman ito. "No, she's just here for 20 days as a deal to save her man named Renzo." Malamig na tonong sagot ni Austin na nasa likod pala namin ngayon. "Austin..." Nilingon ko siya at nakita ko nanaman ang malungkot niyang mga mata. Mukhang naghimalos na siya at nag toothbrush dahil naamoy ko ang hininga niya sa sobrang lapit niya sa akin. Nakokonsensya ako kahit alam kong in the first place hindi ko naman kasalanan. Para bang may mga tumutusok na kung ano nanaman sa puso ko sa tuwing makikita ko ang mga mata niyang ganyan. "Ano nanamang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Austin sa dalawa. "We are here for breakfast." Ngiting-ngiting sagot ni Mico. Itong mga magbabarkada talaga na 'to hanggang ngayon ganoon pa rin, walang pinagbago. Asawa ko ata yung pinaka seryoso sa kanila. "No." "Sure." Magkasabay ngunit magkaibang sagot namin ni Austin kaya sandali kaming nagkatinginan pero umiwas din siya kaagad. "Pasok kayo marami naman akong naluto." I said at nauna pang pumasok sa amin sina Mico at Travis sa loob ng bahay kaya napatawa na lang ako habang si Austin naman ay napailing na lang. Sumunod na si Austin sa loob kaya sumunod na rin ako. Pagkarating ko sa mesa ay kumakain na yung dalawa. "Grabe ang sarap pa rin talaga ng luto mo Cy, simple pero masarap." Komento ni Mico habang puno pa yung bibig kakakain. "Kumain ka nga muna." Pagsaway ko sa kanya. "Siguro dapat dito na kami palagi kumain ng breakfast." Dagdag pa ni Travis. "Siguro dapat lumipat na kami ng bahay." Biglang sabi naman ni Austin kaya sabay-sabay kaming napatawa nila Mico at Travis. "What?" Tanong niya but they just laughed again. "Stop laughing assholes!" Naiinis na pagsaway ni Austin sa kanila. "Inggit ka lang eh tumawa ka rin kasi." Mico said. "What? Like I'm crazy?" "Oh bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na si Cy?" Tanong ni Mico na biglang nagpatahimik sa lahat dahil hindi sumagot si Austin. Inaamin ko na kahit ako ay nag-aantay ng isasagot niya pero wala. "Austin ubos na pala yung mga pagkain sa ref kaya kung pwede sana mag grocery tayo mamaya?" Tanong ko upang mawala ang nakakabinging katahimikan at tumango lang siya. "Cy pahingi pala ng number ni Nam ah." Travis said. "Nam? Why?" Tanong ko. Close ba sila ni Nam? "I'm courting her." Sagot ni Travis. "Huh? Since when?" Bakit hindi ko alam yun. Lagot sa akin itong si Nam. Hindi nagkukwento. "Last year Cy pero palagi siyang basted at laging blocked kay Nam." Pang aasar sa kanya ni Mico. Kawawa naman pala si Travis. Mahirap kasi talagang ligawan si Nam. Maraming nakapila sa kanya pero single pa rin hanggang ngayon dahil sobrang pihikan. "Bakit naman?" Tanong ko. "I don't know. Siguro kasi wala siyang balak na sagutin si Travis." Sagot ni Mico at lumagalpak nanaman sa kakatawa kaya nakatanggap siya ng isang malakas na hampas mula kay Travis. "Ouch! Daddy Austin! Inaaway ako ni papi Travis!" Birong pagsumbong ni Mico kay Austin at napailing-iling na lang sa kanilang dalawa. "Tumahimik ka nga Mico." Sermon ni Travis sa kanya kaya sumimangot naman siya na parang bata. Ang cute nilang tatlo. Pagkatapos naming kumain ay pinaghugas ni Austin si Travis at Mico para naman daw may ambag sa breakfast at pagkatapos nun ay umalis na sila. Nagpahinga lang kami saglit ni Austin mula sa pagkain pagkatapos ay pumunta na kami sa mall to buy groceries. Lingon ako nang lingon kung anong pwedeng bilhin dahil hindi na kami nag-abala pang gumawa ng listahan. Ako ang naglalagay ng mga pagkain sa cart habang si Austin naman nagtutulak. Pansin na pansin nga siya ng mga babae eh. Sa tangkad at gwapo niya ba naman ay talagang maagaw ang atensyon ng kahit sino. Namimili ako ng fruits and vegetable na bibilhin namin habang si Austin naman ay nandun sa kabilang gilid nang biglang may mga babaeng lumapit kay Austin. "Hi po sir, artista po ba kayo? Model? Pamilyar po kasi kayo sa amin eh." Rinig kong tanong ng isang babae at naglabas ng cellphone. "Pwede pong papicture?" Tanong nila pero hindi pa nakakasagot si Austin ay kumuha na sila ng picture. Halos hindi pa nga siya handang mag pose it pero panigurado namang he will still look good. "Ano pong pangalan niyo?" Tanong nang isa pang bagong dating na babae. "Oo nga po, may kasama po ba kayo?" Aba! Halatang mas bata sila kay Austin pero mukhang gustong-gusto talagang makipaglandian sa asawa ko ah. "Mahal!" Malakas na pagtawag ko kay Austin habang naglalakad papalapit sa kanila. "Mahal kumuha ako ng mga fruits na gusto mo." I smiled sabay lapag ko nung mga nakuha ko sa cart pagkatapos ay ipinulupot ang kamay ko sa isang kamay niya. "Mahal sino sila?" Nakaturo kong tanong sa mga babaeng nasa harap namin na nakatingin lang with disappointment in their eyes. "No one." Cold na sagot ni Austin pagkatapos ay tumalikod na kami sa kanila at umalis. Nakapulupot pa rin ang mga kamay ko kay Austin at inaamin kong nag-eenjoy ako ngayon pero si Austin ay mukhang hindi so I just removed my hands from him. Kaninang umaga pa siya cold sa akin. "Austin dun tayo sa chips section." Sabi ko at tahimik niya namang iniliko yung push cart. Bakit ba ang cold niya ngayon? "Kunan mo ako nun." I said as I pointed at the pringles na nasa pinakataas at halatang hindi ko maabot kahit na tumingkayad pa ako. Maingat niyang kinuha yung pringles na red sa taas habang ako naman ay bumubwelo. Bumubwelo na... Pagkalapag na pagkalapag niya pablang ng pringles sa cart ay agad akong tumingkayad at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Mariin kong ipinikit ang mata ko kasabay ang mabilis na na paghalik sa mga labi niya. Isang mabilis at nakakagulat na halik. Nang hiwalayan ko ang mga labi niya ay nakita ko kaagad ang nanlaki niyang mga mata at ang namumula niyang mga pisngi. "Ku... kukuha lang ako ng sabon." Natatarantang sabi ko pagkatapos nang nangyari at tumakbo paalis nang hindi man lang siya nililingon. Nang makarating ako sa isang sulok ay doon muna ako nagtago, napahawak ako sa dibdib kong sobrang lakas ng t***k na parang sasabog na. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kung ano-ano nanaman ang mga ginagawa ko nang hindi man lang nag-iisip ng maayos. "Cy, nasaan na yung sabon?" Halos malaglag ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Austin. Mamatay na yata ako sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko na sinabayan pa ng kiliti sa tiyan ko. Paano niya ako nahanap kaagad? "Um? Yung sabon? Uh? Hindi ko mahanap eh." Pagpapalusot ko habang lumilingon lingon pa to avoid meeting his eyea. "Tara na." He said at nauna nang umalis. Bakit ang cold niya pa rin? Wala na bang epekto sa kanya yung halik ko? Bahala siya diyan. Hindi na yun mauulit kahit anong mangyari. Ungrateful jerk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD