Chapter 3: Cy×Austin

2102 Words
Austin's POV It has been a f*****g month! A f*****g month since that day but I still can't find my wife. Hindi pa rin siya umuuwi o nagpaparamdam man lang sa akin. I have no idea kung saan ko sya mahahanap pa. Napuntahan ko na lahat ng alam kong pwede nyang puntahan pero wala pa rin. That is how I know na talagang nagtatago sya sa akin. Pumunta na rin ako kay Nam pero kahit anong pilit ko ay ayaw nyang magsalita about my wife's whereabouts. Sa tuwing punta ko rin dun ay sinesermonan nya lang ako which I deserve with no doubt. Hindi na ako mapakali araw-araw. Halos araw-araw na rin akong umiinom nung mga nakaraan dahil pakiramdam ko ay malapit na akong mabaliw. I can feel small needles poking my heart whenever I think of her, I can't handle the thought of me losing her forever. Madalas ko rin na nasisigawan ko ang mga employees ko sa company because of frustration. Mabilis na akong mairita lalo na kapag wala akong natatanggap na magandang update about Cy. I'm so mad at myself. I can't lose my wife. I love her so much. I miss her so much. Travis and Mico were right. Sa pagkawala nga lang ni Cy ako matatauhan. Totoo nga pala talaga na nasa huli ang pagsisisi. I actually never stopped loving her, I just became stupid. Stupid enough to treat her that way. Pinahanap ko na sya kila Mico and Travis pati na rin sa private investigators ko sa company pero wala pa rin. Nasa office ako ngayon and I'm trying to change my routine. I'm trying to be productive as much as I can. I want to change myself for good. Sa pagbabakasakali na ring kung babalik man si Cy ay maayos kong maihaharap ang sarili ko sa kanya, hindi yung ang makikita nya ay yung gago nya pa ring asawa. Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan dun ang maliit na picture namin ni Cy. Her smile was so bright that day that it blinds me. Sa pagtitig ko sa larawan naming dalawa ay nakaramdam ako ng maliit na butil ng tubig sa kaliwang kamay ko. That is when I realized that I am actually crying. If my tears could be bottled, siguradong napakadami ko nang naipon. Simula nung gabing nawala si Cy at narealize kong baka nga hindi nya na ako balikan ay araw-araw na akong naluluha nang hindi ko man lang namamalayan o nararamdaman. Being at home is a torture because every part of the house reminds me of her. *tok tok tok* Nagmamadali akong nag punas ng luha at inayos ang sarili ko when someone suddenly knocked on my office door. "Come in." I answered at pumasok naman si Reyes. Isa sya sa mga private investigators na inutusan ko to look for Cy. Of course, I didn't hire only one investigator. I want to find my wife as soon as possible so I choose the best three of them. Reyes is the one leading all of the searching. "Good afternoon sir." He greeted. "What is it?" Walang gana kong sagot. Isang buwan ko nang pinapahanap sa kanila si Cy at sa tuwing papasok sila sa office ko ay wala akong magandang balita na naririnig sa kanila so I stopped expecting para mabawasan ang inis ko. "Sir, nahanap na po namin kung saan nagtatrabaho si Mrs. Fernandez." My eyes widened at parang bigla akong nabuhayan sa balitang narinig ko, napatayo pa ako sa kinauupuan ko sa gulat at saya. "Are you sure?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes sir." Reyes smiled. Finally! "f**k, let's go." Sagot ko at kinuha ang coat kong nakasabit at nagmamadaling naglakad palabas. Ngayong alam ko na kung nasaan si Cy, wala na akong papalampasing minuto para puntahan siya. Mabilis kaming naglakad papuntang parking lot kung saan nakasalubong naman namin sina Mico at Travis. I decided to just go with them instead of Reyes. Kinuha ko nalang yung address ng lugar kung nasaan si Cy at nag-drive na kami kaagad paalis. Mico is the one driving the car because he drives fast and safe compared to us. Safe rin akong mag-drive, he's just faster. Simula nung naging kami ni Cy ay sobrang maingat na ako sa pagda-drive because she doesn't like it whenever I drive fast. She said it scares her, oh I miss her so much. Dinala kami ng address sa isang malaking building. Reyes said that Cy is currently working here. Yun lang ang nalaman nya sa ngayon tungkol kay Cy, I guess Cy is really protecting her information kaya kami nahirapang hanapin sya. "Malaki naman pala yung kompanyang napasukan ni Cy choi." Komento ni Mico habang nililibot pa ang tingin nya sa paligid ng building ng kompanyang pinagtatrabahuan ng asawa ko. My company is still bigger. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Mico at nag-focus na lang ng tingin sa main entrance ng building. I'm waiting for my wife to come out. Reyes said that her out is 4:30 pm so she should be here right now in any minute. "How do you feel choi? After a month of looking for your wife, sa wakas ay nahanap mo na rin." Mico asked. "Oo nga choi. Baka lumabas yung puso mo mamaya." Dagdag pa ni Travis. "The same feeling when I first asked her if I can be his boyfriend." Siguro nga baka anytime ay lumabas na ang puso ko sa kaba. Ito na ata ang pinakamatagal na hindi ko nakita at nakasama si Cy. Minsan kasi kapag pumupunta sya sa ibang lugar, after few days ay sumusunod ako sa kanya agad, inaayos ko palagi yung schedule ko just to see her. 20 minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin si Cy. Inaantok na nga ako sa kakaantay dahil lagi rin akong kulang sa tulog nang bigla namang sumigaw si Travis. "CHOI! CHOI! SI CY!" He shouted habang tumuturo pa at hinahampas hampas ang braso ko. Tumingin ako sa direksyong tinuturo nya at tama nga sya. It's Cy, my wife. May nakasalubong syang isang babae, she waved at her and smiled. She looks so beautiful, just like a literal angel. Palabas sya ng building, habang pinapanuod ko sya mula sa malayo ay parang mas nangungulila ako sa kanya. Agad kong tinanggal ang seat belt ko at lalabas na sana sa loob ng kotse nang pigilan ako nina Mico at Travis. "Wait choi! Baka mabigla naman si Cy." Pagpigil ni Travis sakin. "What?" Naiiritang tanong ko habang nagpupumilit na lumabas ng kotse dahil pareho silang nakahawak sa akin at pinipigilan ako kaya hindi ako makaalis. I miss my wife so much, I want to hug and kiss her o kahit mahawakan o maamoy ko man lang kahit isang hibla ng buhok nya. I never knew missing someone can kill you slowly. "After a month bigla-bigla nalang susulpot yung tarantado nyang asawa, edi baka tumakbo nanaman palayo yan." Sagot ni Mico kaya natauhan ako bigla. Napatigil ako sa pagpupumiglas sa paghawak nila sa akin at napaisip, may punto sila. "So, what do you want me to do? Titigan lang sya?" Ang tagal naming nag antay tapos hindi ko man lang pala malalapitan si Cy. I can't just look. Isang buwan, sa isang buwan na iyon ay minu-minuto ko syang naiisip kung okay lang ba sya o kung nakakaain ba sya ng maayos. "Kami nang bahala." Travis said. "What do you mean? We went here for nothing?" "Anong nothing? You saw her." Mico answered. "Umuwi ka na muna, mag-ayos ka at mag-prepare ng sasabihin mo sa kanya, we'll just send you the place." Mico said. Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi nila. I don't know what they are planning pero pwede ngang tumakbo ulit palayo sa akin si Cy and I don't want that to happen again, masyado nang matagal yung one month at hindi ko na kaya kung mas tatagal pa. I'm impatient, I know. Sigurado rin akong galit pa sa akin si Cy at hindi pa madali sa kanya na harapin ako. One month is not enough to heal her from all of the shitty things that I did to her but I think I need to see her and talk to her. "What exactly are you guys planning?" Tanong ko sa kanila. "Choi wala ka bang tiwala sa amin?" Medyo. "Baka nakakalimutan mo na kami rin yung tumulong sayo nung nililigawan mo palang yang si Cy." Mico said and he's not lying. Sila talaga yung tumulong sa akin sa mga pagdiskarte ko dati kay Cy. Marami kaming ginawang pakulo para lang mapasagot si Cy noon dahil mahirap syang ligawan at marami ring iba pang mga lalake ang nakapila sa kanya noon. Sobrang swerte ko na ako ang napili nya sa dami ng ibang nirereto pero ginago ko lang. "Are you sure about whatever this is?" "Syempre choi." Sabay nilang sagot. "So, what now? Aalis na ba tayo?" Mico asked. "Let me stare at her for a while." I answered and looked at my wife again. Nakatayo lang sya habang nag-aantay ng taxi. How could she just stand there and look like goddess? How is that even possible? Maya-maya pa ay sumakay na sya sa taxi kaya hinatid na rin ako nina Travis sa bahay pagkatapos ay umalis na rin sila kaagad. Wala pa rin akong alam sa kung anong plano nila but they said that I should just prepare myself and try look like a human being for once so that I can meet my wife. Kanina pa nga nila ako pinagtitripan porket hindi ako makaganti at kailangan kong magpakabait sa kanila ngayon dahil sila ang magdadala sa akin kay Cy. Nagsimula na akong maligo. I looked at myself in the mirror at medyo nag-iba nga ang muka ko in negative way. Sa tingin ko ay tumanda ako tingnan because of my beard. Hindi ko na rin naalagaan ang sarili ko dahil mas iniisip ko si Cy. I also messaged her a lot kahit na hindi ako sigurado kung yun pa ba yung number na ginagamit nya. I started shaving my beard after taking a bath. Nag-ayos din ako ng buhok at nagpabango. I'm wearing the scent that Cy loves to smell on me. It's the other one, not the one that she bought me nung araw na nahuli nya akong nakikipag s*x sa iba. I never use that perfume anymore because it brings bad memory. Nang pipili na ako ng damit ay bigla akong walang maisip na suotin. I can't think of any clothes that will look the best on me. Ngayon lang ulit ako nahirapan ng ganito sa pagpili ng susuotin ko. Lahat naman kasi ng damit ko ay bagay sa akin but I want to make my wife to deeply fall in love with me again. I want to impress her and get all of her attention. Of course, that is not enough to get her back to me. I promise that I will never do shitty things to her again because she doesn't deserve all of it. I shall die if I broke that promise because she only deserves good things in life. Siguro nga nagpaka-immature ako sa kanya kaya nagawa ko yung mga bagay na yun, masyado rin akong naging confident na mahal na mahal nya ako kaya hindi ko naisip na pwede nya akong iwan isang araw. Hindi ako papayag na hindi kami hanggang dulo. Kaya kong magpakababa basta bumalik lang sya sa akin. Literal na gagawin ko lahat basta bumalik lang sya. Habang naghahanap ako ng pwede kong suotin mamaya ay nakita ko ang damit na suot ko nung araw na mag propose ako kay Cy. Naka-cover pa yung damit because it is so important to me. It's a simple white polo na may naka sulat na Cy×Austin na si Cy mismo ang nagsulat after she said "Yes" to me, this is the top that I cherish the most. That is one of the happiest moments in my life. Sa pag titig ko sa polo na hawak ko ay naalala ko yung unang beses ko syang makita. When she was just simply walking inside the campus and passed through us. I almost broke my neck that day kakasunod ng tingin sa kanya. It was not love at first sight. Nagandahan ako sa kanya but it is not love yet. I don't believe at love at first sight. Attraction lang ang tawag dun at hindi love. Minahal ko sya nung nakilala ko na sya. Unti-unti ay naging preso ako sa pag mahahal nya. Hopefully, I can still set things right. This could be my last chance to Cy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD