Chapter 9 Marilyn’s Pov PINAHIRAPAN talaga ako ng amo ko at halos maiyak na ako sa dami ba namang lilinisin na kulungan ng baboy. Gusto ko na sanang umalis at hayaan na ang sarili maging palaboy dito sa La Presya. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak habang naglilinis. Magdidilim na pero nandito parin ako sa kulungan ng mga baboy. Kanina pa akong umaga dito nagsimula pero dahil ang daming kulungan ay inabot na ako ng hapon. Pumunta dito si Zyra para pagtawanan lang ako. Nalaman ko nga na pumunta daw ang mapapangasawa ni ma’am Casopia at umalis daw sila kaya nakapunta si Zyra dito para asarin lang ako. Muntik ko ng walisin ang pagmumukha niya sa inis ko. Pagod na pagod pa naman na ako tapos sasabayan pa niya ng pang asar sa ‘kin. Tatlong kulungan nalang at makakapag pahinga na ako

