Chapter 17 Marilyn’s Pov NAJUMBAG ko ang mata ni sir Koa dahil sa paghalik niya sa ‘kin. Hindi pa talaga ako nakuntento at tinadyakan ko ang golden egg niya dahil sa paghalik niya sa ‘kin. Sino ba namang hindi magugat sa ginawa niya? Bigla-bigla siyang nanghahalik sa ‘kin eh alam naman niya na hindi ko siya boyfriend. Buti sana kung mag jowa kami eh. Hindi ko nga kilala ang pagkatao niya tapos nanghahalik na siya agad. Tanging ang alam ko lang ay Koa ang pangalan niya. At nakakairita siyang lalaki. Kanina pa ako dito sa kwarto at wala akong balak na lumabas. Ayaw ko siyang makausap o kung ano pa man. Mas lalo ng ayaw kong makita ang pagmumukha niya at baka masuntok ko na naman siya. Pero yung tiyan ko ay kumukulo na. Nagugutom na talaga ako dahil kanina pa akong umaga hindi k

