Six years later... "Sena... your performance is next," napalingon ako sa nagsalita. Napangiti ako nang makita ko si Arkin. Humawak siya sa bewang ko at tinulungan akong tumayo. Inilabas niya ang kaliwang kamay niya na may hawak na iba't ibang kulay ng tulips na paborito ko. Napangiti naman ako sa kanya ng matamis. "Thank you Ilustre..." "You look beautiful tonight... It's a shame na hindi pa din nila makikita kung gaano ka kaganda..." he look at me lovingly, I felt my cheeks burn. "Tonight lang ako maganda?" I pouted my lips and sounded offended, but I'm just playing with him. "Of course not! You are always beautiful... Inside and out..." nakatitig si Arkin sakin na ikinailang ko bigla. Matagal ko nang napapansin ang paraan niya ng pagtitig sakin kahit noong mga bata pa kami. Pero

