SERENA Napapailing kami sa isip-batang pagtatalo nina Atticus at Clay nang may sumigaw ng pangalan ko na ikinagulat ko ng husto. Gulat na mukha ng Mama ni Calvin ang sumalubong sa amin, maging ang dating father-in-law ko ay gulat na gulat nang makita ako. Naramdaman ko naman ang pagyakap ng dalawang anak ko, sumunod din ang mga mata ni Papa Charlie at Mama Clarita. "Goodness my child!" lumapit na si Mama Clarita at niyakap ako ng mahigpit habang umiiyak. "Oh Gosh! I'm so sorry I didn't expect to see you here. Jesus you got us so worried hija!" hinawakan ni Mama Clarita ang mukha ko at parang naghahanap ng sugat kung titigan ako. Hindi pa din ako makahuma sa gulat kaya hindi ako makasagot, lumapit na din si Papa Charlie at niyakap ako, "Hija how have you been? We were so worried about

