CHAPTER 2 PAUBAYA

2694 Words
Tulalang nakatingin si Serena sa bintana ng kwarto habang may mga mumunting patak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya maialis sa isip ang nadatnang eksena sa opisina ng asawa kanina. "Saan ba ko nag-kulang? Binigay ko naman lahat, sinakripisyo ko lahat... Pero bakit ganito Calvin?" hilam sa luhang sambit ni Serena sa sarili. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong lokohin ni Calvin. At hindi ko inaasahang mahuhuli niya ito sa akto. Marami nang nagsabi sa akin na nakita ang asawa na may kasamang magandang babae sa isang hotel sa Taguig. Tinawanan niya lang ang kaibigang si Megan nang sinabi nito iyon at sinabing baka ka-business meeting lang ito ng asawa. Hindi raw nakita ni Megan ang mukha ng kasama ni Calvin pero mukhang mayaman at sopistikada ang babae. Ang isa pang narinig ay ang usapan ng kanyang sekretarya na si Jillian at ang Head of Finance na si Grace, nakita raw umano ni Grace si Calvin sa isang restaurant sa QC, taga-roon si Grace at nag dinner date sila ng asawa niya. Nakita niya si Calvin at lalapit sana dahil akala niya ako ang kasama, pero nagulat siya nang makita ang isang maganda at seksing babae na kasama ni Calvin, nakita niyang nakahawak si Calvin sa kamay ng babae at nakangiti. Nang makita raw siya ni Calvin ay biglang inalis ang kamay nito at binati siya. Sinabi ni Calvin sa kanya na business associate niya ang babae. Muli ay pinagkibit-balikat ko lang 'yon. Iba pa sa mga kaibigan ko ang nakakita sa kanila ng misteryosong babae na kasa-kasama niya. Pero dahil bulag ako, ipinasawalang bahala ko lang iyon. Isa nga talaga akong malaking gaga. ***** Mayamaya'y nakarinig siya ng yabag na papalapit sa kwarto nilang mag-asawa. Mabilis niyang pinunasan ang luha sa pisngi para hindi makita ng kung sino ang kamiserablehan niya ngayon. Isinuot niya rin ang reading glasses niya para kahit papaano hindi makita na namamaga na ang mga mata niya. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang asawang si Calvin. Nakita niyang seryoso at blangko ang mukha nito kaya nagbaba siya ng tingin at nagsalita sabay ngiti ng malaki. "Hi Hon! ang aga mo yatang umuwi? Wala kang meeting? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako pumiyok o nabulol dahil baka mahalata niyang galing ako sa pag-iyak. Kunot-noo lang siyang tinignan nito na parang inaaral ang ekspresyon ng kanyang mukha. Namiss niya ang asawa na ilang linggong hindi umuwi o nagparamdam man lang sakanya. Kapag tumatawag siya sa opisina nito ay palaging nasa meeting ito o kaya naman ay biglaang nag out of town dahil sa mga hinahabol na investors ayon na din kay Camille. Lalapit sana sya sa asawa at tangkang hahalik sa pisngi nito nang maamoy ang pambabaeng pabango. Bigla ay gustong mangilid ng luha niya ng maaalala ang tagpo sa opisina nito. Napakuyom ang kamay niya sa pagpipigil ng sarili na wag umiyak sa harap ni Calvin. Hindi niya nakita kung sino ang kaulayaw ng asawa ngunit parang pamilyar ang boses nito. Pinigilan nya ang sariling mapaiyak at binigyan ng malawak na ngiti ang asawa. "Sandali Hon, nagluto si Nana Rosa ng meryenda, ipaghahanda kita".. Palabas na sana siya ng kwarto nang bigla siyang hinila nito at iniharap sakanya. "Don't bother Serena.... I know you saw us earlier" Pinanlakihan ng mata si Serena sa sinabi ng asawa. Hindi din siya tinatawag na Serena nito kundi 'Val'. "W-what do you mean?" tangkang maang-maangan ko, lumakad ako at naghanap ng pwedeng butingtingin mula sa mga gamit ko sa dresser stool. "I know you went to my office this morning. And I know you saw what happened there..." walang ganang sagot ni Calvin. "W-what?" Yun lang nasabi ni Serena at nangilid na ang luha sa kanyang mga mata. "Aren't you going to ask me about it? Or who I'am with?" Naguguluhang umiling si Serena. Ayaw niyang marinig ang kung anuman ang sasabihin ng asawa. Kung hihilingin nitong maghiwalay sila ay luluhod siya at magmamakaawa. Dalawang taon na silang kasal ni Calvin. College sweethearts sila at nagpasyang magpakasal two years after nilang magtapos. 2 years ang gap ng batch nila pero nagkakilala sila dahil sa mga pinsan niyang sina Mace at Maximillian na kaibigan ni Calvin. Bestfriend din ito ng asawa ng kakambal niyang si Selene. Sa dalawang taong pagsasama ay hindi pa sila nabiyayaan ng anak. Ang sabi ng OB sakanya noong nagpacheck-up sila ay wala naman daw siyang problema o ang asawa niya, kailangan nya lang daw magpapayat ng kaunti upang makabuo sila. Sa sobrang pagsisilbi sa asawa ay napabayaan ni Serena ang sarili. Yung dating katawan na kinaiinggitan ng mga kakilala noong nag-aaral pa ay nawala dahil ang atensyon niya ay nakatuon sa kanyang asawa at sa negosyong naiwan sa kanila ng mga magulang. Kinakabahan siya na baka isang araw ay iwan siya ng asawa dahil lang wala pa silang anak. Sabik nang magkaapo ang mga magulang ni Calvin. Hindi naman siya pinepressure ng mga ito dahil bata pa naman daw sila, 24 siya at 26 naman si Calvin. Sadyang nag-aalala lang siya na baka humanap ng iba ang asawa. At nangyari na nga ang kinakatakutan niya. "Serena, are you listening to me?" wika nito sa baritonong tono na nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Mariing tinitigan ni Serena ang asawa. Kung dati ay palaging may lambing ang mga salita nito, nitong mga nakalipas na buwan ay unti unting nagiging monotone ang pakikipag usap ni Calvin. Na akala mo estranghera siya sa paningin ng asawa. Ang mga titig nito na nakakapagpatunaw ng puso nya noon ay palagi na lang blangko ngayon... "I want an annulment, here are the papers. All we need is your signature," may ibinaba ito sa dresser niya na folder, yun lang ang sinabi ni Calvin at walang lingon na lumabas ng kanilang kwarto. Nanlambot naman ang mga tuhod ni Serena sa sinabi ng asawa. Muntik pa siyang matumba kung hindi siya nakakapit sa upuan ng dresser niya. Naiwang tulala si Serena habang mahigpit ang kapit sa upuan. Nang mag-sink in sa utak ang sinabi ni Calvin ay nagmadali siyang lumabas ng kwarto para habulin ito. Naabutan niya si Calvin sa puno ng hagdan at bigla niyang hinatak ng magaan ito sa braso. "Hon wait! W-why? Anong problema? Bakit ka makikipaghiwalay? N-nooo... Hindi ako papayag Calvin," matigas na turan ko kahit pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Lumingon siya sa'kin at walang emosyon lang akong tinitigan nito. Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa naka-abang sa mga mata ko sa tingin na iginagawad sakanya ng asawa ngayon. "Tell me, may hindi ka ba gusto sa mga ginagawa ko? Dahil ba sobrang busy ko sa trabaho? Calvin tell me!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil na rin sa mga emosyong rumaragasa sa'kin ngayon. "Ang tagal mong nawala, tapos uuwi ka rito at sasabihin mo sa'king gusto mo ng annulment? Why? I can't lose you Hon... I can't... I love you..." napahagulgol na turan niya sa asawa. Napamaang si Calvin at lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang makita na punong-puno ng luha si Serena. Pero lumunok siya at huminga ng malalim, muli ay sumeryoso ang mukha niya, "Pakiramdam ko hindi na ikaw yung babaeng minahal ko noon Serena," at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa na may disgusto sa mata. Nakasimpleng dress lang si Serena na kulay lila, medyo maluwag sa kanya dahil doon siya komportable, may makapal na belt lang ito para kahit papano maemphasize ang magandang hubog ng dibdib ni Serena. Ang pinakakolorete niya lang sa mukha ay lipstick at kilay. Nasaktan siya sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Calvin. Never in a million years niyang naisip na titignan siya ng asawa katulad ng ginawa nito sa kanya ngayon. Ang kaalamang parang pinandidirihan siya ng asawa ay parang kutsilyong tumarak sa puso niya. "P-pero sabi mo kahit anong maging itsura ko mamahalin mo 'ko... Kahit tumaba ako o dumami ang puti sa buhok ko hindi mababawasan ang pagmamahal mo? Pero ano 'to? Bakit ganito Calvin? 'Yan lang ang dahilan bakit ka makikipaghiwalay? Kung gusto mo magpapapayat ako! Aayusin ko ang sarili ko! Gagayahin ko mga kaibigan ko pero 'wag naman ganito Calvin... Mahal na mahal kita... 'Wag naman ganito please...." at lumuhod sa harap ni Calvin sabay pinagsalikop ang mga kamay sa pagmamakaawa. Lumapit pa siya rito hanggang sa may paanan ng asawa. Umiwas naman ng tingin si Calvin at nagtagis ang bagang, "I-I don't feel the love anymore Serena..." Hilam sa luhang tinignan ni Serena ang asawa at patuyang tumawa, "W-what? Why? Mas magaling ba siya Calvin? Dahil ba mas sexy siya? Mas bata?" hindi siya makatingin sa'kin. Then she realized something, "O baka dahil hindi pa kita mabigyan ng anak? 'Di ba sinabi ko nang magpapapayat ako? Gagawin ko lahat Calvin para magka-anak tayo. Kahit araw-arawin pa natin gawin, gawin natin makabuo lang tayo... 'Di natin kailangang maghiwalay, please... Kung anuman yung nakita ko kanina, kakalimutan ko! Patatawarin kita! But please not this! I can't live without you Hon please..." "Angela is pregnant and I'm the father" diretsong sagot ni Calvin at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Pagkarinig sa pangalang binanggit ni Calvin ay parang gumuho ang mundo ni Serena. Pakiramdam niya ay may kutsilyong tumarak sa dibdib niya at hindi siya makahinga. Angela... Sa isang gilid ay nasaksihan naman ni Nana Rosa ang sagutan ng mag-asawa. Gusto niyang tulungan si Serena dahil sa itsura nito ngayon baka bigla na lang itong panawan ng ulirat. Nag-aalala siya dahil ilang araw nang halos walang kinakain si Serena sa paghihintay sa alaga niyang si Calvin. 'O Diyos ko, wag naman sanang mangyari ang iniisip ko, wag Niyo po silang paghiwalayin,' piping dalangin ni Nana Rosa habang naluluha sa nakikitang paghihirap ng dalawang alaga. Nakatungo lamang si Serena at nakatingin sa sahig, ang mga luha niya ay pumapatak sa kamay at tuhod niya. 'Wala na talo na ko... Ano pang laban ko kung ang mistress ng asawa ko ang pupuno sa kakulangan ko? Hindi lang siya basta mistress kay Cal...' Angela Gomez. Ang babaeng unang minahal ng asawa ko. Matagal bago niya napalitan sa puso ni Calvin si Angela. May mga pagkakataon noon na natutulala si Calvin at nasasambit ang pangalan ni Angela out of nowhere. Masakit pero pinalalampas niya, dahil mahal niya si Calvin. "H-hon kaya kong alagaan yung anak nyo ni Angela... Pwede namang ako na lang yung kilalanin niyang ina hon eh... Bakit mo ako hihiwalayan?" naguguluhang saad ni Serena. Biglang nanlaki ang mata ni Serena nang may marealize siya, "Sabihin mo sa'kin Calvin, mahal mo pa din ba si Angela?" Nakita niya ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mata ng asawa. Hindi niya mapangalanan pero nasasaktan siya sa nakikitang reaksyon ni Calvin. Hindi pa rin ito sumagot at nakatitig lang sa kanya, "What Cal?! Hanggang ngayon ba siya pa rin? After all these years Calvin siya pa rin? So ano ako sa'yo panakip-butas?! Sumagot ka!" 'di na napigilan ni Serena na sigawan ang asawa. Tumayo siya at pinagsusuntok ito sa dibdib habang patuloy ang kanyang pag-iyak. "I'm sorry Val..." hindi ito natitinag sa pananakit ni Serena. Yun lang ang isinagot ni Calvin sa kanya. He's the only one who calls her by her second name... Sabi niya he wanted to be unique at yung siya lang ang tatawag sa kanya ng gano'n. Everyone calls me Yna, but he prefers to call me Val, short for Valerie. Tinitigan niya ng maige ang asawa at nagtanong, "Ni minsan ba Calvin minahal mo 'ko? Ni minsan ba, naangkin ko yung puso mo? O ako lang 'tong hibang na naniniwalang ako na yung mahal mo at hindi yung p*******ng babaeng 'yon ha?!" "Calvin kailan ba pwedeng ako naman? Sana ako naman..." "Serena please stop this nonsense" "F*ck Cal this is no nonsense! This is our marriage we are talking about! What Cal, all these time na hindi ka umuuwi, andun ka sa babaeng 'yon at nagpapakaligaya? Nakukulangan ka na ba sa kaya kong ibigay sa'yo? Tell me! Ilang linggo akong naghintay sa'yo! Nag-aalala ako sa'yo tapos 'yon ang madadatnan ko? God I'm so naive! Ang tanga tanga ko! Bakit 'di ko man lang naramdaman na may iba ka na tapos bigla magkakaanak ka na? F*ck Calvin!" napasabunot ako sa buhok ko dahil 'di ko na kayang kontrolin ang emosyon ko. Humagulgol lang ako sa harap ni Calvin na hanggang ngayon hindi nagsasalita at nakatingin sa malayo. Muli akong napaluhod at umiiyak, gumapang ako palapit kay Calvin para magmakaawa, niyakap ko ang binti niya. "Hon please... I'm begging you, don't leave me... You're all I have. You're all I ever wanted. Mula noon hanggang ngayon Calvin ikaw lang," lumalakas ang boses ko kasabay ng pagluha ko. Wala akong pakialam kahit makita at marinig ako ng mga kasambahay sa ginagawa ko ngayon, pero gusto kong ilaban ang pagsasama namin... "My decision is final Serena, just sign the papers and we're done..." blangko ang mukha na sambit ng asawa. Mapait na napangiti si Serena. She chuckled, right, nakapili na ito, at 'di na niya ipipilit pa at pagmumukhaing kawawa ang sarili rito. Pinunasan niya ang mga luha, "Okay, if that's what you want, then I'll sign the papers," at nanghihinang tumayo si Serena pabalik sa kanilang kwarto. Gusto sanang alalayan ni Calvin ang asawa pero marahang tinabig nito ang kamay niya. Bago pa humakbang si Serena ay lumingon itong muli sa kanya, bakas ang sakit at lungkot, ngumiti ng mapait. "Sana maging masaya kayo, ang gusto ko lang Calvin, alagaan ka niya, mas higit sa pag-aalaga ko sa'yo, dahil siya ang pinili mo... dahil mas mahal mo siya. I'm sorry Calvin ah? Eto lang ako eh... Pero wag mong kalilimutang mahal kita Hon. Mahal na mahal. Pinapalaya na kita," sabay talikod sa asawang napamaang sandali sa mga iniwan niyang salita. Nakasunod lang ng tingin si Calvin kay Serena. Nag-aalala siya para rito pero nag-aalala rin siya na baka ipalaglag ni Angela ang ipinagbubuntis nito kung hindi siya makikipaghiwalay kay Serena... "Im so sorry Val... Im sorry..." sabay talikod pababa ng hagdan at nagmamadaling umalis ng bahay. Si Nana Rosa na nasa gilid ng pader ay napaiyak at sumilip sa kwarto ng mag-asawa. Sa kwarto ay kinuha ni Serena ang annulment papers na nakapatong sa dresser... 'Gusto ko pang lumaban, pero bago pa 'ko magsimula, talo na agad ako. Hindi na 'ko nabigyan ng pagkakataon para ipaglaban yung karapatan ko, at yung nararamdaman ko. Bakit gano'n lang kadali para sa'yong bitawan ako Cal? Bakit?' muli ay napahagulgol sa ibinubulong ng kanyang isip. Napaupo siya sa kama habang tangan sa kamay ang papeles na tatapos sa dalawang taong pagsasama nila... It pains me so much to watch him go from loving me to acting like I never existed. "God Cal! Bakit di mo sinabing ayaw mo na? Nung mga panahon bang kayakap mo 'ko, ako ang nasa isip mo? Nung sinasabi mong mahal mo 'ko, bukal ba sa puso mo?" "Ang sakit! Ang sakit sakit p*********a!" Mayamaya'y wala sa sariling binuksan ko ang speaker kong maliit na nakapatong sa bedside table. Madalas kong gamitin ito kapag nagsa-soundtrip ako habang nagtatrabaho, kailangan ko ito ngayon. Sa sakit na nararamdaman ko, gusto kong magpakalunod sa musika. Alam kong ito ang magpapagaan sa loob ko ngayon. Music do wonders to my emotions, it mends my soul. I wanna sing my heartache away... So Moira, kailangan kita ngayon... Unang linya pa lang napaiyak na ako. Saktong-sakto sa nararamdaman ko kaya sinabayan ko yung kanta habang may mga patak pa ng luha na natitira sa mata ko... Napatingin ako sa wedding photo namin na nasa maliit na frame. Kinuha ko ito at hinaplos ang mukha ni Calvin na nakatingin sa'kin ng buong pagmamahal sa litrato. I've tried Calvin pero ikaw yung bumitaw... Sana hinigpitan mo pa yung kapit. Sana 'di ka sumuko. Ako na sana yung lalaban para sa'tin, sana binigyan mo 'ko ng chance para ipakitang mas mahal kita. Pero binitawan mo na 'yong kamay ko... Napagod ka na ba? Sorry Calvin for being not enough. "Pinapaubaya na kita sa kanya..." I whispered to myself kasabay ng pagtapos ng kanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD