Part 11

1399 Words

“KUNG ako sa iyo, Luke, iyong nakakapit na sa driftwood ang ibibigay ko kay Ethel. Kung kukuwentahin ko ang mga orchids na dinala mo dito, malamang ay nagkaroon na ako ng mini-farm dito,” pabirong sabi ni Olivia nang matanawan ang binata na paparating. May dala na naman itong bulaklak. At tila naging trademark na nito na iba’t ibang variety ng orchids ang bitbit.             “Kaya hindi ka tumatanda, Tita. Palagi kang may sense of humor,” wika naman dito ni Luke. “Nasaan naman kaya ang pagbibigyan ko nito?”             “I’m here,” wika niya na lumapit sa dalawa.             May isang buwan na rin siyang nasa poder ni Olivia. Napatunayan na niyang walang halong pagkukunwari ang kabaitan nito sa kanya at napalagay na rin ang loob niya dito. Unti-unti na ring nahahalata ang tiyan niya. At

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD