Lauren Nang masabi ko ang salitang iyon ay bigla itong tumigil sa pagwawala niya. At tinignan ako ng nanunuri na para bang hinahanap doon ang sagot kung nag sasabi ba ako sa kanya ng totoo o hindi. "Pakiulit mo nga yang sinabi mo Fortalejo. Medyo hindi ko kasi narinig masyado at gusto ko makasiguro kung tama ba ang pag kakarinig ko. Mahirap naman na mag assume ako kaagad pero iba naman pala ang ibig mong sabihin." Matiim na sabi nito sa akin na titig na titig ngayon sa mata ko. Pero may nakikita na akong kislap sa mata nito at tuwa na para bang natuwa ito sa aking sinabi sa kanya. Tinitigan ko rin naman ito at seryoso at nag sabi dito. " Tama ka ng narinig Ma'am Camela, mahal po kita kaya ikaw lang ang papayagan ko na humalik sa akin. Wala na akong ibang gusto na mag may ari sa akin

