Lauren Nang sagutin ko na ang tawag ay bigla akong natigilan ng marinig ko kung kaninong boses ito. Sa way pa lang ng pag sasalita nito ay kilalang kilala ko na siya. At mas lalo na akong di nakapag salita sa mga pinag sasabi nito at gusto nitong ipagawa sa akin ngayon. Tsaka halata ko din sa boses nito na parang galit siya. At kailangan ko ng makapunta agad sa bahay nito sa loob lang ng 30 minutes. Hello ang layo kaya ng bahay niya dito kila Lavine. Bakit ba ura urada na lang kung makapag utos ito at sa ganitong oras pa talaga ako pinapapunta nito sa bahay niya. Hindi man lang makapag hintay kinabukasan. Kung kailan naman gabi na eh saka siya magpapamadali nyan. Balak niya ba akong madisgrasya dyan sa pag mamadali niyang makapunta kaagad ako sa kanya. Ano ba kasi ang kailangan ng m

