Camela Nang makaupo na ako ay pinag timpla niya kaagad ako ng coffee. Tinikman ko naman ito kaagad pagkababa nya pa lang ng mug sa harap ko. Kailangan ko ito ngayon para magising na ang diwa ko. Baka kasi kung ano lang itong nangyayari sa akin kaya ganito ako ngayon kumilos sa harap niya. Hindi ko naman maiwasang mapapikit dahil nahuli nito ang gusto kong timpla sa kape. Hindi masyadong matamis may kunting tapang lang siya na gustong gusto ko. Ayaw ko kasi yung sobrang tapang naman na kape ang pait na sa panlasa ko yun. Nag sunod sunod na tuloy ang higop ko sa kape. Pag ganito ang kasama ko sa bahay panigurang makakasundo ko ito. Hindi ko kasi makita dito na spoiled siya ng mga magulang niya. kasi naman sobrang sanay siya sa kusina. Maya lang ay naka pag handa na rin ito ng pagkain na

