iyak ng iyak ang mga batang kasama ni
Angela, naka kulong sila ngayon sa
bodega.. ano ba itong pinasok niya?
pakawala pala ng sindikato ang bata
na tumulong sa kanya.
"sorry na Angel gusto talaga kasi kita
kaya gusto kong kasama kita dito. "
malungkot na sabi ni Jeric.
ang batang nakilala ni Angela malaki
ang pasasalamat ni Angela dito, dahil
sa kanya ay nakabili siya ng gamot ng
nanay niya,
"tumigil ka na nga, nag iisip ako kung
paano ako makakatakas dito Jeric,
nag aalala ako sa mama ko, diba
na e-kuwento ko sayo na may sakit ang
mama ko? ilang oras lang akong di
makita non hahanapin ako, paano kung
hanapin niya ako at mag collapse siya? "
maiiyak na sa pag aalala si Angela.
ilang oras na siyang hindi nakaka uwi
at di pa nakaka kain ang mama niya.
"sorry kasalanan ko ang lahat ng ito,
naging makasarili ako, wag kang mag
alala alam ko pasikot sikot dito,
tutulongan kitang makatakas dito
mamayang gabi, pero ipangako mong
di ka mahuhuli ha? " sabi ng bata.
"salamat Jeric, sana okay ang mama
ko. " iyak na sabi ni Angela.
dumating na ang oras ng pag takas ni
Angela.
hinatid siya ni Jeric hanggang sa pinto.
"sama ka na kaya Jeric. "
"hindi puwedi Angela, baka patayin nila
ang kapatid ko at ang mga kaibigan ko,
hanggang sa muli nating pag kikita aking
anghel, wag mo sana akong makaka
limutan ha? " humalik pa ito sa pinsngi
ni Angela. napa tango nalang si Angela.
at tanaw ang papalayong si Jeric.
may narinig siyang mga dumarating na
sasakyan. nag tago siya agad.
"ibaba niyo na yan. " sigaw ng pinaka
boss ng mga sindikato. natakot siya
na baka mahuli siya ng mga ito.
"siguradohin niyong nakatali yan ng
maayos ha? malaking gantimpala ang
kapalit ng lalaking yan, pag napatay
natin yan mayaman na tayo. " tumawa
ng nakakatakot ang big boss.
halos mapa iyak naman sa takot ang
bata ng marinig ang sinabi ng mga
sindikato, talagang masasamang tao
ang mga ito dahil kaya pa nilang
pumatay. nakita niya ang naka piring
na lalaki. wala itong malay at bugbog
sarado ito. naawa siya sa lalaki, hindi
din naman siya makatakas dahil nasa
labas pa ang mga masasamang tao.
nag masid lang siya sa paligid. tuwang
tuwa ang mga lalaki dahil naka bingwit
sila ng malaking isda.
"oh mag palamig muna daw kayo sabi ni
boss, pero wag mag papaka lasing baka
matakasan pa tayo niyan. " tinungga na
ng mga lalaki ang mga alak.
"mag hihintay pa ako ng ilang oras para
maka takas, sana okay lang si mama. "
kausap ni Angela sa sarili.
makalipas ang ilang oras ay halos tulog
na lahat ang mga lalaki.
lumapit si Angela sa lalaking naka piring.
"manong gising," tinapik ni Angela ang
pisngi ng lalaki. "gising po kayo..
papatayin po nila kayo, gising na po. "
mahinang sabi ni Angela sabay yugyog
sa balikat ng lalaki.
"bahala ka nga diyan, wala na akong paki
alam. " aakmang tatayo ang bata para
iwan ang lalaki pero naawa siya sa
lalaki sigurado siya na may mga anak
din ang lalaki ayaw niyang magaya ang
mga anak ng lalaki sa kanya na walang
ama, mas nanaig ang awa kaya bumalik
siya ng dahan dahan at pinisil ang ilong
ng natutulog na lalaki.
napa balikwas naman ang lalaki.
agad itong senenyasan ni Angela na
wag kang maingay.
tumango naman ang lalaki, binatawan
na ni Angela ang ilong ng lalaki at
napatingin sa paligid ang lalaki.
"what the hell is happening? "
"ano po? " mahinang tanong ni Angela.
tinulongan niyang makatayo ang lalaki.
"bilisan niyo na po, mamaya ka na po
mag tanong pag nakatakas na po tayo,
papatayin ka nila manong, narinig ko
po. " mahina pa ding sabi ni Angela.
hinay hinay silang nag lakad pa suray
suray pa ang lalaki dahil sa mga tama
nito, naka hawak naman sa kamay ng
lalaki si Angela.
"bilisan po natin baka magising sila. "
pa liko na sila at tanaw na nila ang
labasan ng paputokan sila.
"mga hayop magsi gising kayo,
natakasan na tayo. " sigaw ng lalaki na
nag pa putok ulit.
napa daing sa sakit ang lalaki ng
matamaan ito sa braso.
"arayyyyy." daing na sigaw nito.
masakit man hinila agad ng lalaki ang
batang napaupo dahil narin siguro sa
gulat.
"bilisan na natin kiddo, ayaw ko pang
mamatay, may anak akong nag hihintay
sakin baka di na ako mapatawad non
pag mamatay pa akong hindi kami nagka
ayos. " takbo dito takbo Don ang ginawa
ng dalawa. hanggang sa maka kita sila
ng dagat.
"can you hold your breath? " naka hawak
sa brasong sabi ng lalaki.
"ano po? "
may nararamdamang papalapit ang
lalaki kaya walang sabi sabing tumalon
sila sa dagat. bahala na, yun lang ang
tanging paraang alam niya.
"ano nahanap niyo? " narinig ng lalaking
sigaw ng isa sa mga sindikato.
"wala boss baka nakatakas na. "
"punyeta kayo, mga bobo sabi ko
namang wag magpakalasing eh, yari ako
nito kay ms. Rica. hanapin niyo ng
maigi alam kong di pa nakakalayo yun
may tama yun. " sigaw niya ulit.
ilang minuto pa ang nakalipas ng marinig
niyang umalis na ang mga sindikato.
agad agad siyang umahon.
napa daing siya sa sakit.
"tara na kiddo at baka maabutan pa tayo
dito. " napatingin siya sa nakahiga pa
ding bata. nanlaki ang mata niya ng
makitang walang malay ang bata.
he take a breath..
he pinch her nose and cover her mouth
with his mouth. mouth to mouth
resuscitation.
napaubo naman ang bata.
"you're okay now kiddo. " anya na
hinaplos ang likod ng bata.
"where is this place?" kunot noong
sabi ng lalaki na hawak ang braso.
"Ingles kayo ng Ingles pano ko kayo
maiintindihan? sundan niyo nalang po
ako para makauwi na tayo, baka kung
ano na nangyari sa mama ko. "
nag mamadali na silang nilisan ang
lugar na yon.
napa awang ang labi ng lalaki ng makita
ang kubo na pinasokan ng bata. nag
dadalawang isip siya kung papasok ba
siya o hindi.
narinig niyang may nag iyakan.
"pasok po kayo manong, para makapag
pahinga po kayo, wag po kayong mag
alala ligtas po ang lugar na ito di po
kayo masusundan ng mga sindikato. "
"sindikato? ano ba talaga ang nangyari
Angel? " narinig niyang tanong ng babae.
pumasok na siya sa luob ng kubo.
"upo po muna kayo Jan. " ani Angela na
inabutan ng tubig ang lalaki, nag alangan
pa ang lalaki kung tatanggapin niya ang
baso dahil plastic bottle lang ito na
pinutol.
"sino ka ba at anong ginagawa mo sa
anak ko? isa ka ba sa mga sindikato? "
galit na sabi ni Laura ng makita ang
sugat sa braso ng lalaki.
di na nakapag Salita ang lalaki dahil
parang umiikot ang paligid niya.
napabalikwas ang lalaki at napaupo
ang sakit ng katawan niya at kumakalam
ang sikmura niya dahil sa gutom, wala
pa siyang kain simula kagabi.
mga hayop na sindikato di man lang siya
pinakain ng mga ito. yari ang mga ito sa
kanya pag naka uwi na siya.
napansin niyang di na masyadong
masakit ang sugat niya sa braso pati
na ang mga sugat na gawa ng pambu
bugbog sa kanya. the doctor treat his
wounds is a great doctor.
"sorry po at Jan na kayo nakatulog,
di ka po namin kayang buhatin kaya
hinayaan nalang po namin kayo Jan. "
magalang na sabi ni Angela na ini abot
sa lalaki ang styrofoam na may lamang
kape.
"salamat. it's okay. " napatingin ang lalaki
sa babaeng pa ubo ubo. maganda ito at
mukhang nasa middle 20s ito, payat ito
at maputi, mamumutla ito at halatang
may sakit.
"si mama po gumamot ng mga sugat
niyo magaling po siyang gumamot ng
sugat. " sabi ng bata na iniabot sa lalaki
ang mainit na pandesal at pansit.
"ipalaman niyo po yan sa pandesal ang
sarap po. "
"pagka tapos mong kumain umuwi ka
na. " malamig na sabi ng babae.
"I'm not the bad guy here, they kidnapped
--------hindi na pinatapos ni Laura ang
sasabihin ng lalaki.
" alam ko pinaliwanag na lahat ng anak
ko ang lahat. " pa ubo ubong sabi nito.
"okay, I must repay you two for saving
my life. "
"di na po kailangan, umalis ka na. "
"I can help you, you look sick, do you
want to leave your daughter early? you
are still young.. I will help you. " ginulo
ng lalaki ang dati ng magulong buhok ng. bata. "I'll be back kiddo when I settle
things okay? thanks again dahil sa inyo
na realized ko kung gaano ka hirap ang
buhay at dapat minamahal at inaalagaan
ang mga taong anjan para sayo. thanks
for make me realized that kiddo. bye for
now. "
"son come here, sabayan mo akong mag
breakfast. " masayang sabi ng lalaki.
"anong nakain nito at biglang bumait?
nawala lang ng isang araw bumait agad?
is he going to die? " tanong ni Damian sa
sarili. balak sana niyang lampasan ang
ama ng mapansin ang braso nito at
mga galos sa mukha.
"are you okay dad? what happened? "
nag aaalang tanong ni Damian.
"I'm okay, I just realized how important
life is, how important you are in my life
son, how much I love you, I'm sorry for
those year that I left.. sa mga panahong
you need a father but I'm not there for
you. I'm sorry son. "halos maiyak na sabi
ng lalaki.
" are you dying? what kind of drama is
that dad? " kunwari lang ang binatilyo
ang totoo ay masaya siya na kinausap
siya ng ama.
"do you want a baby sister? "
"w-what? don't tell me naka buntis ka? "
"I almost died Damian, but there is a kid
who saved me.. pina realized niya sakin
na dapat mahalin at pahalagahan ang
mga taong anjan para sayo, I want to
help her.. she is so brave to help a
helpless man like me, and gets what?
she is just 8 years old. " masayang
paliwanag ng ama.
"thanks for that brave kid but still I can't
accept her as a sister, you know that I
hate women. " baka agawin niya pa ang
daddy niya kaya hinding hindi niya
matatanggap ang bata.
"it's okay I know someday you will love
her like I do, just don't bully her. okay
young man? " ani ng lalaki na tinapik
pa sa braso ang anak.
sinungaling na lalaki, di naman aasa si
Laura na babalik talaga ang lalaki para
tumanaw ng utang na luob pero kahit
papaano umasa Din siya, tama ang lalaki
ayaw niya pang mamatay ng maaga
dahil maiiwan niya ang pinaka mamahal
niyang anak.
"waiting for me? "
"ayyyy palaka ka. " gulat na sigaw ni
Laura.
"gwapo ko namang palaka. " nakangiting
tawa ng lalaki. "where is she? "
"lumabas lang. ba't ka naparito? "
pa ubo ubong sabi ng babae.
"I came here to take Angela-----
" umalis ka na, hindi ko pinapamigay ang
anak ko, magka matayan muna tayo
bago mo makuha ang anak ko. "sigaw
nito na halatang nang hihina.
" relax, I'm here para ialis kayo sa lugar
na to, come with me I will help you to
get better, bibigyan ko ng magandang
buhay ang anak mo. " ani ng lalaki na
hinawakan ang kamay ng babae.
"I still don't know you pati pangalan mo
di ko alam pero simula ng makilala ko
kayo di kayo mawala sa isipan ko. "
"Laura Ignacio." ani ng babae na inalis
ang kamay ng lalaki, patawarin siya ng
Diyos pero napaka gwapo kasi ng
kaharap niya lalo ngayong wala na itong
mga galos sa mukha, napaka bango pa nito, samantalang siya tatlong araw na
siyang walang ligo. ngayon lang siya
na conscious sa hitsura niya..