Chapter 15
Maliyah’s Pov.
“Pero okay lang wala naman problema sa akin.” Wika ko kay Mathias.
“So galing ka sa broken family.” Wika ni Mathias sa akin.
“Parang ganun na nga sir pero okay lang kahit mag isa sanay na ako.” Wika ko sa kanya.
Napatingin na lang siya sa akin sa sinabi ko sa kanya.
“Grabe sir busog na busog na ako hindi ko na kayang ubusin.” Wika ko sa kanya.
“Kumain ka pa.” Alok niya sa akin.
“Ayoko na po busog na talaga ako.” Wika ko sa kanya.
“Okay bibigay ko na lang sa tauhan ko sa labas.” Wika niya sa akin.
“Mabuti pa ipamahagi mo pa yan.” Wika ko sa kanya.
Nang natapos na kaming kumain ay tinulungan kong magligpit ng kinainan namin. Ang mga tirang ulam ay ipinamahagi niya sa kanyang mga tauhan na nasa labas.
Biglang tumunog ang phone ko nakita ko si Blake ang tumatawag sa akin.
“May tumatawag sa phone mo bakit ayaw mong sagutin.” Wika niya sa akin
“Ah hindi naman importante.” Wika ko sa kanya.
Dali-dali kong pinatay ang phone ko.
“Oh bakit niya pinatay ang tawag ko? Busy ba siya ngayon? Ano ba yan may itatanong sana ako sa kanya.” Sabi agad ni Blake habang hawak ang kanyang phone.
Nakita niya si Apollo pa labas ng kanyang bahay hindi siya masyadong nagpahala na nag mamanman siya sa paligid.
“Saan kaya siya papunta? Ito yung mahirap na gusto mo sanang sundan pero wala kang sasakyan haisst.” Sambit ni Blake.
“Ano kaya pakay niya sa akin. Bakit tumawag siya?” Sambit ko sa isipan ko.
Ni off ko muna ang phone saka nilagay sa bag.
“Maliyah hindi ko pala nasabi sayo hanggang alas dos lang ang office natin dito.” Wika ni Mathias sa akin.
“Ganun po ba sir okay lang po basta may trabaho.” Wika ko sa kanya.
“May pupuntahan kasi akong importante kaya maaga akong nag papauwi ng mga trabahante ko dito.” Sabi niya sa akin.
“Sakto po sir may pupuntahan sana ako mapupuntahan ko pa yun.” Wika ko sa kanya.
“Pwede ka naman umuwi na kung may lakad ka din.” Wika niya sa akin.
“Sige po sir mamaya na lang po kakatapos ko lang kumain.” Wika ko sa kanya.
Bumalik na muna ako sa upuan saka ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Habang nagpapatuloy ako sa ginagawa ko napapansin ko patingin-tingin siya sa akin.
Tinignan ko ang relo ko mag alas dos na pala. Ni off ko na ang laptop saka niligpit ang mga papel na sa table ko.
“Sir mag out na po ako.” Paalam ko sa kanya.
“Oo nga pala mag alas dos na pala. Okay ingat ka sa pupuntahan mo.” Wika niya sa akin.
“ Sige po sir salamat po.” Sagot ko sa kanya.
Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas sa office ni Mr. Alvarez.
“Saan na naman pupunta siya ngayon?” Sambit ko habang palabas na ako
Kinuha ko ang phone saka ni open ko na ito agad. Naka five miscall si Blake pala sa akin. Ni dial ko agad ang number saka tinawagan siya agad.
Phone ring….
“Hello bakit hindi mo sinasagot ang phone kanina pa kaya kita tinatawagan!” Singhal niya sa akin.
“Sorry naman alam mo nasa loob ako ng office ni Mathias tapos sasagutin ko tawag mo! Isipin mo kaya yan Blake.” Wika ko sa kanya agad habang nagmamadali akong naglalakad sa kalsada.
“Ano ba pakay mo bakit tumatawag ka sa akin?” Tanong ko sa kanya.
“Pinuntahan ko ang bahay ni Apollo minanmanan ko siya dito pero umalis din.” Wika niya sa akin.
“ So anong nakuha mong impormasyon sa kanya?” Tanong ko sa kanya sa kabilang linya
“Wala paano ko masusundan ang hirap ng walang kagamitan na pang transpo. Kaya nag pa request ako kay boss Milton. Buti na lang pumayag ipapadala daw motor nating dalawa.” Wika niya sa akin
“Buti naman sino kaya magdadala?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam kung sino magdadala dito bukas.” Sagot ni Blake sa akin.
“Ganun ba kailangan talaga natin sa hirap makasakay dito.” Wika ko sa kanya.
“Oh sya yan lang pala itatawag mo sa akin ipapahamak mo pa talaga ako muntik pa akong ma question kanina bakit ko daw hindi nasagot tawag.” Wika ko sa kanya.
“ Sorry naman kung na disturbo ko kayo.” Sabi niya sa akin.
“ Sige na naglalakad pa ako sa kalsada hahanap pa ako ng sasakyan.” Wika ko sa kanya.
“Ingat ka sa pag uwi. Uuwi na din ako.” Wika ko sa kanya
“Sige bye.” Ani ko sabay tago ng phone ko sa bag.
Nagmamadali na ako ng lakad sa daan. Nag tago muna ako alam kong dadaan ang sasakyan ni Mathias dito.
Nakakita ako ng kanto na parang papasok doon muna ako tumambay habang hindi pa dumadaan ang sasakyan ni Mathias inurasan ko ito hanggang dumaan na din. Saktong 20 mins ang pag daan nila dito.
Umalis na ako ako sa pinagtataguan ko at nag patuloy na akong maglakad ulit. Agad na akong pumunta sa sakayan papunta sa Sunset Hotel
“Kuya ito ba yung sakayan papuntang Sunset Hotel?” Tanong ko sa kanya.
“Opo ma’am.” Sagot ng lalaki sa akin.
Sumakay na ako sa pedicab at naghintay ng ibang pasahero.
Mahigit isang oras din akong naghihintay para mapuno ang pedicab. Nang napuno na ay lumarga na agad ang sasakyan.
“Piper ikaw na bahala sa dalawang motor na dadalhin sa palawan. Pwede mo ng dalhin sa pantalan para mag abang ng barko.” Utos ni boss Milton kay Piper.
“Sige po boss masusunod po.” Sagot ni Piper.
Hahanap po ako ng sasakyan para dalhin sa Batangas boss.” Wika ni Piper kay boss Milton.
Kumuntact si Piper ng kilala niya para maisakay ang dalawang motor sa sasakyan.
Mag alas singko na ako nakarating sa Sunset Hotel pumara na ako saka bumaba.
“Grabe ang sakit ng likod ko kakahintay ng sasakyan.” Sambit ko agad.
Biglang nag ring ang phone ko. Nakita ko tumawag si Piper sa akin.
“Oh Piper tumawag ka?” Tanong ko agad sa kanya sa kabilang linya.
“Kamusta ako magdadala ng motor nyo dyan Palawan.” Wika ni Piper.
“Buti naman naisipan ni boss Milton ipadala motor namin hindi kami makakilos dito mabuti hirap ng transpo.” Wika ko kay Piper.
“Kaya nga daw naghihintay na lang ako ng truck para dalhin sa pantalan na itong dalawa.” Sabi agad ni Piper sa akin.
“Salamat naman makakarating na din yan dito.” Wika ko sa kanya.
“Ano sa samahan mo kami dito?” Tanong ko sa kanya.
“Depende kung anong sasabihin sa akin ni boss Milton.” Sagot nita sa akin.
“Ganun ba.” Wika ko sa kanya.
“Sige hihintayin ka namin dito namimiss ko na bigbike ko.” Sabi ko sa kanya.
“Buti na lang nakuha ko sa bahay mo ito at binigay ng mommy mo.” Wika ni Piper sa akin
“Kamusta naman sila mommy at daddy?” Tanong ko sa kanya.
“Mommy mo lang kausap ko. Hinahanap ka! Nag aalala na siya sayo hindi ka daw umuwi.” Sabi ni Piper sa akin.
“Anong sabi mo pagkuha mo sa motor ko?” Tanong ko sa kanya.
“Sinabi ko kukunin na ng may ari dahil hiniram mo lang ito.” Sabi sa akin ni Piper.
“Sinabi mo yun ulol ka talaga Piper dami mo dahilan para makuha mo lang.” Sabi ko sa kanya.
“Para paraan din naman tayo Maliyah.” Wika niya sa akin.
“Oh sya na nandito na ang magdadala ipapahakot ko na para makapunta na kami sa Batangas.” Wika sa akin ni Piper.
“Mag pm ka lang pag nasa pantalalan ka na pupuntahan ka namin ni Blake.” Wika ko sa kanya.
“O sige kita na lang tayo dyan.” Sabi ni Piper sa akin.
Buti naman ipapadala na ni boss Milton motor namin. Pero hindi talaga ako hinahanap ni daddy. Wala talaga siyang puso at konsensya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at pumasok na ako sa hotel para magpahinga na din. Nang nakarating na ako sa taas agad kong binuksan ang pinto. Buti na lang nauna na ako kay Blake dumating para makahinga din muna ako.
"Sa wakas makakapahinga na din ako. Ang sakit nag likod ko." Sambit ko habang inihiga ko sa kama ang katawan ko.
Napatingala ako sa kisame iniisip ang sinabi ni Piper.
"Si mommy lang ang naghahanap sa akin pero yung daddy ko wala talagang paki. Kailan niya ako hahanapin? Kung mamatay na din ba ako?" Tanong ko sa sarili.
" Alam kong balewala na lang talaga ako na anak kaya ayoko ng isip pa." Sambit ko sabay pikit ng mata ko.