Jane's P.O.V
Isang panibagong araw na naman at nandito ako sa isa sa mga tambayan namin na mag kakaibigan walang iba sa Library lang naman yup you heard it we are bookworm
Habang naghihintay sa library itinuon ko muna ang sarili ko sa pag babasa dahil kailangan may quiz mamaya sa subject na biology dalawang araw palang quiz agad...hsssst~~~buhay nga naman...
Makalipas ng 20 minutes
Dumating na ang mga kaibigan ko na sabay sabay sa entrance ng library at naka nerd silang lahat masyado kami tago kaya pinagtitinginan kami lagi...
(Hi Jane) sabi nila lahat at sabay sabay na umupo sila...
(Hello Girls) balik na bati ko sa kanila na nakutuon sa libro na binabasa ko ngayon...
"Sya ba yung pinalit ni Lorence yuck kadiri naman mukha pa lola sa suot nila" kahit Hindi ako lumingon alam ko na kung sino ang tinutukoy nila... Edi ako malamang
"Sino naman kaya yun?" nagtatakang tanong ni Hannah...
"Wag nyo na Lang pansinin sila"
Maatoridad na sabi ni Charlene
Wala nang nagawa ang apat...
Hayss....
Allysa's P.O.V
What sup b***h reader...
Ako nga po pala si Allysa Monteverde na nag aaral palang po,ako po ay 17 years old na po galing sa tyan ng mama ko... yan lang muna wag atat at specting nyo na lagi ko tinatawag ang mga kaibigan ko na "b***h" endearment ko sa kanila ganyan ako ka sweet... Ang talento ko Ay mang hack ng mga data base kahit Ano pa yan kayang kaya ko...
Pansin ko Lang na masyado tahimik ngayon si Jane malakas talaga instinct ko no...
Tsk wag ko na nga Lang pansinin magsasabi din yan may kasabihin nga na "walang sekreto ang Hindi nabubunyag"
Pero aalamin ko kung Ano talaga ang problema nila lahat...
"Aalis na ako b***h may pupuntahan Lang ako." May tumatawag kasi si papi Franco yari na naman ako nito wala naman iba naka phone book sa cp ko kundi mga kaibigan ko at si papi...
"Hello sa pinaka gwapo ko papa."masayang bati ko sa kanya
"ALLYSA MONTEVERDE!! IKAW BA AY KUMUHA NG PERA SA MGA Corrupt NA GOVERNMENT OFFICIAL." Agad ko nailayo sa tenga ako cellphone ko sa lakas ng pagkakasabi ni papi... huhuhuhuhu yare na ako nito...
"Papa naman eh... hindi kasi napupunta yung pera sa mga mahihirap binubulsa nila ang pera." Dahilan ko sa kanya... atakot ako...
"Alam ko anak sana hindi mo na lang kinuha yung pera hayaan mo na ang otoridad ang humuli sa kanila."
"Pero pa–."
"No but princess,pero no gadget for one week."
"Dad–."pinatayan agad ako tsk Ano ba yan pwede na yun no gadget wag lang yung allowance ko... ;hoy ikaw... Oo ikaw nga... pwede makihiram ng cellphone mo mag papalevel lang ako ng mobile legend;
"Hyss" napabuntong hininga na Lang ako ...
Naglalakad ako ng hallway papunta sa cr ng marinig ko ang pangalan ni Jane...
"Totoo ba yung news na hinalikan ni Lorence yung nerd na yun? Ano nga pangalan nun.?"
"Si Jane yung nerd,iba na pala standard ni Lorence."
So ito pala ang nangyari kahapon kaya umiiwas ang tingin niya sa amin first kiss pa naman niya WHAT oh no...
Dali Dali ako bumalik sa library at hinanap sila kaso wala na pa sila sa kinakaupuan namin kanina tatakbo na sana ako ng may makabunggo ako at si...
Troy Sanchez Lang naman
"S sorry Hindi ko sinasadya" payuko na sabi ko sa kanya
"Ok Lang." Showing his wonderful dimples that every woman want
Whaaaa Ang gwapo nya lalo na yung dimples yieeeeee... ang bait bait nya talaga kaya crush na crush ko sya eh mabait sa lahat ng tao...
Maya na nga yang crush crush na yan na saan na kaya si Jane mahanap na yun...
1000 years later nahanap ko nadin sila sa garden Lang pala bat kasi ang lawak ng school na to tsk... Papagiba ko toh eh...
"Jane totoo ba na nahalikan ka ni Lorence?" Pahingal ko na pagkakasabi sabi...
"Ahm O-Oo totoo yun" alanganin sabi niya at gulat na gulat ang tatlo maliban kay Charlene
"Ikaw naman Che bakit hindi mo naman sinabi sa amin sana sinabi mo na Lang hindi sa iba ko pa malalaman." Mahinahong sabi ko...
''Nag tanong kaba??.'' ayy palaban si ate ghorl
''Hindi'' tsk sama makatingin ni che che
"Tss... may kailangan ka noh?." Ano ba yan nalaman agad nya
"Ahmm parang ganun na nga." Hehehe
"Ano ba kailangan mo ha." Bored na sagot niya
"Cellphone Lang naman yung bagong labas na iPhone." Lam na dis ayaw nyo kasi ako pahiramin ng mga readers eh pang Mobile Legend lang naman eh."
"Sige mamaya papa deliver ko na lang."
"Whaaaaaaaaa Jane totoo ba yung sinabi nila na nahalikan ka ni Lorence!!!." Pasigaw na sabi walang iba kundi si Hakishia na sinto sinto sa aming groupo tss kailangan pa ba isigaw?...
"Pwede ba paki hinaan naman ng boses mo?" Padaskol ko na sabi sa kanya ang ingay ingay niya talaga....
" Sorna peace na tayo gusto mo halikan kita." Akma hahalikan na nya ako ng naglabas ako sa bag ng cake
You have slain the enemy...
"Oy akin na Lang yan hindi naman kumakain sila ng cake too sweet daw sabi ng iba." Nakangiti na sabi ni hakishia sabay kuha ng cake sa akin....
Napatingin ako kay Jane na lutang ngayon... Nak ng baka naman oh mahirap ngayon ang problema ng kaibigan ko ngayon...
Hakishia P.O.V
Watsup... people around the world Ako po pala si Hakishia De Villa na maraming sekreto sa aming groupo pero sekreto Lang may kasabihan nga 'na marami nga ako sekreto....sekreto padin ' AND I......DON'T CARE THANK YOU
Ako na ang pinakamaraming sikreto sa aming magkakaibigan pero Hindi ko muna sasabihin Yun noh hqhahaha peace be with you
Jane P.O.V
Pagkatapos ako ihatind ni lorence sa bahay namin...
Napatingin ako sa kanya Kung pag bubuksan nya ako....
"( Tsk ano pa hinihintay mo pasko)"
-_- antipatoko amp...
"(Ah.. sige)" ano pa magagawa ko kundi bumaba na ako haysssss..... Gwapo nga pero hindi naman gentleman....
Pag kababa ko umalis na Rin yung sinasakyan ni lorence....
Pagpasok ko nakita ako ni nanay Lorna...
"( Señorita bat PO Ang aga nyo umuwi)"
"(Masama Lang PO pakiramdam ko Kaya napa aga Ang uwi ko)" pagsisinungaling ko at pumunta na ako sa kwarto ko....