Kenneth's Point of View "What is the meaning of this, Visceral? Anong ginawa mo sa kanila?!" dumating na rin sa wakas ang taong pinakahihintay ko. "Surprise! Nagustuhan mo ba ang mga sorpresa ko? Not just one but two," humahalak na lamang ako habang nanatili pa ring nakaup sa swivel chair ko. Si Charie naman ay agad na nilapitan ang mga duguang sina Angelo at ang pinakamamahal niyang si Prince. "Ayaw mo kasing maniwala sa akin. Sa kanila ka laging naniniwala. Kaya anong nangyari sa kanila? Kasalanan mo. Hindi ba, Charie?" Naluluha siyang pinagmamasdan ang bawat pisngi ng kaniyang mahal. Panaka-naka din niyang sinisipat si Angelo. "Sinabi ko na sa iyo na huwag kang kakagat sa tarantadong iyan, Charie. Bakit ba hindi ka nakinig sa akin? Alam mo ang kayang gawin niya. At nakita mo iyon,

