Angelo's Point of View Mabibigat ang mga hakbang ng paa kong bumalik sa loob kung saan nakahiga si Kuya. Matapos ang usaping iyon with Dr. Dimla at ng magulang ko tungkol sa kalagayan ni Kuya ay hindi na ako mapakali. Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong tahimik na si Kuya at naroon pa rin si Charie na nagbabantay sa kaniya. Nang masilayan niya ako ay agad niya akong tinanong. “Anong sabi ni Dad?” Hindi ako kumibo. Sa halip ay nasa kay Kuya ang tingin ko at isipan ko. “Angelo? May gusto ka bang sabihin tungkol sa nangyari sa kuya mo? Sa kalagayan niya ngayon?” tinitigan ko siya. Nagtama ang aming paningin. Katulad ng dati ay napakaganda pa rin ng kaniyang mga mata. Kung dati ay puno ito ng kasiyahan, ngayon ay puro kalungkutan ang mababanaag mo. “I need to talk you... sa labas, Char

