Charie's Point of View “I am letting you go, Charie. Kung saan ka masaya ay ganoon din ako. Gusto kong sabihin sa iyo na mahal na mahal ka ni Kuya. Walang araw at gabing hindi ka niya naiisip. Nais ko ring sabihin sa iyo na masaya akong si Kuya ang mahal mo. Masaya akong siya na ang taong makakasama mo habambuhay. Hindi mo man ako mapatawad ngayo, sana huwag mo akong kalimutan. Sana maalala mo pa rin ako. Sana maikuwento mo rin ako sa magiging anak mo na minsan sa buhay mo ay may nakilala kang Angelo na minahal ka rin nang buong-buo. Isang Angelo na handang ibigay ang lahat mapasaya ka lamang.” Tila napako ako sa kinatatayuan ko nang maalala ko ang sinabi ni Angelo sa akin. May ibig sabihin ang mga katagang binitiwan niya sa akin. Hindi kaya? May kinalaman ito sa Kuya Prince niya? “K

