20 Years Ago "Lilac!" sigaw nang sigaw ng dalagang si Charie noon sa loob ng campus ng WVSU. Nang makita ang kaibigang mag-isa lang na nakaupo sa mahaba at walang taong grandstand, agad niya itong niyakap nang mahigpit. "Ano ba? Nasasakal ako," reklamo ni Lilac sa kaniya. Ikinagulat iyon ni Charie at pinagmasdan ang ekspresyon sa mukha ng matalik na kaibigan. "May problema ba, Lilac?" nagtatakang tanong nito. Worried lang si Charie sa inasta ng kaibigan. Magkababata at sa iisang school lang pumapasok sina Lilac at Charie. Kinky, morena, at matangkad ito kay Charie. Walang panama si Charie sa kaniya kung kagandahan lang ang pagbabasihan. Mas maganda naman talaga ang pagiging morena nito kaysa sa kaniya. "Wala akong problema. Mainit lang ang panahon," pagsisinungaling nito pero ang to

