Charie's Point of View Habang nasa biyahe ako ay agad kong tinawagan ang ama ko sa ospital. Ring lang ito nang ring. Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko kasi ay may ginawa o mas tamang sabihin na may ginagawa na ngayon si Kenneth. Sinubukan kong muling tawagan siya peri unreachable. Baka naman may pasyente lang at abala. Pero parang may mali e! May mali talaga. "Huwag kang praning, Charie. Walang mangyayari sa magulang mo! Kumalma ka! Sigurado akong walang gagawin si Kenneth." protesta ng aking isipan. "Anong wala, Charie?! Don't you realize what he can do earlier? Alam kong may gagawin siya and that's something you need to know!" sabi naman ng other side ko. Ano ba iyan! Kung kailan nagmamadali ka ay saka naman traffic! Napamura tuloy ako sa isipan ko. I hate this feeling! Bakit k

