The Sparkliest BERLIN MAAARING nagmalabis ako sa mga binitiwan kong salita ngunit hindi ko maaaring balewalain ang aking pakiramdam. Isa pa, totoo naman. Wala naman siyang pakialam sa akin. Ang paki niya ay nasa kaalaman ko sa batong hawak niya. At dahil hindi ko maialis sa aking isipan ang tungkol sa dyamanteng iyon, nahila ako ng aking sariling pagmumuni-muni sa kasulok-sulukan ng aking diwa. Nakatanga man ako sa kisame ay iba ang eksenang naglalaro sa aking paningin. Ngumiti ako nang masilayan ko ang hindi ko malilimutang paghalakhak ni Mommy habang pinanonood akong naghuhukay sa aming bakuran. “Baby, I told you diamonds do not just lie around. If you want to find some gems, you have to either be lucky or smart to find them.” I saw my younger self looking up to her slender f

