With Sleight of Hands BERLIN KUNG SANA ay nasa kalagitnaan pa lamang ng desisyon nating lahat ang pagsisisi, malamang ay hindi ako magdamag na pabalik-balik sa banyo upang dumuwal at umiyak nang sa hindi malamang dahilan liban sa hapdi sa aking sikmura at sa pait na namumutawi sa likuran ng aking dila. Kaso, sadyang huli na sa akin ang lahat sapagkat hanggang mag-umaga ay pinagbayaran ko ang kapangahasan ko sa pag-ubos ng mga inuming ibinigay sa akin. Ni hindi ko na rin maalala kung paano ko magawang umuwi ngunit sa unos ngisang linggong pananatili ko sa apartment na ito, kagabi lamang ako umuwi nang may tapang at walang pakialam sa kung ano mang maaari kong sapitin sa dilim. Ikinubkob ko ang aking mukha sa magkapatong na braso upang iwasan ang liwanag galing sa bintana ng classroom.

