Isang Pamamaalam

2751 Words

Kadiliman. Nang muling buksan ni Hannah ang kanyang mga mata ay napuno ito ng liwanag, at nakita niyang wala na ang bagyo at ang malalaking alon. Pero, may kakaiba sa dagat. Pagka't ang dagat ay sobrang payapa. Napakalinaw nito na sumasalamin sa mapuputing mga ulap at asul na langit. At nang tumingin pababa si Hannah ay nakita niyang kanyang repleksyon sa tubig, at nagulat na siya'y nakatayo sa dagat at hindi lumulubog, na nang humakbang siya'y nagawa niyang makalakad sa tubig. Hindi siya makapaniwala. Tumingala siya. Maliwanag ang araw nguni't hindi ito mainit sa balat. May simoy ng hangin na dumampi sa kanyang mukha. Naisip niya, Nasa langit na ba ako? Sa malayo ay natanaw niya na may nakatayo rin sa tubig tulad niya, at nang kanya itong lapitan ay nakita niyang isa itong madre na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD