chapter 5

1698 Words
Kailangan ko sigurong masanay—nakaka-hurt talaga ng feelings itong si Coco. Wala man lang pampalubag loob o kahit fake smile. Pero sige na nga, keri lang. Ang totoo niyan, kahit nagrerebelde ang ekspresyon niya ay masarap pa rin siya sa mata. Bonus pa ang pang-bad boy aura niya na tipong pangromansa sa mga pelikula na may 'don’t fall for me' sa bio. "I've no plan on babysitting someone," dugtong ni Coco, halos magtunugan na ang ngipin sa gigil. Gano’n siya kung magsalita—kalmado sa tono pero may threat sa dulo, parang soft launch ng gulo. Saglit akong napapikit habang pinipigilan ang sariling sumabat. Kasi naman parang nakalimutan yata ni Coco na ako itong bodyguard sa aming dalawa kaya ako iyong mag-babysit. Ako dapat ang magreklamo dahil ang laki ng katawan niya para kakailanganin ang isang bodyguard. Gusto kong umalma at ipaalala sa kanilang dalawa na kung titimbangin kami sa timbangan ay baka nga mas mabigat pa si Coco— sa ego pa lang. Pero dahil nga pinanindigan ko ang pagiging professional ay pinili kong manahimik. Bodyguard mode is ON kahit feeling ko ay ako na iyong nangangailangan ng protection mula sa attitude nitong babantayan ko. Bago pa nadugtungan ang pagrereklamo ni Coco at nakatugon si Mhilo rito ay biglang bumukas ang pintuan. Nabitin ang akmang pag-angil ni Coco sa sinumang dumating nang iniluwa ng pintuan ang isang magandang ginang. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pag-amo ng mukha ni Coco at pagguhit ng masuyong ngiti sa mga labi nito. Hindi ko tuloy mapigilang mapatunganga saglit sa biglang pagbabago ng ekspresyon nito sa mukha bago mabagal na lumipat ang atensiyon ko sa bagong dating na ginang na dire-diretsong pumasok. "Anong meron?" inosenteng tanong ng bagong dating habang nagpalipat-lipat ng tingin sa aming tatlo— sa kambal kong mga amo at sa'kin na parang pinag-trip-an ng universe nang tumigil sa'kin ang mapanuring tingin nito. Isang singhap ang pinakawalan ng ginang kaya bigla tuloy akong napatuwid sa pagkakatayo na parang estudyanteng naaktuhan ng principal habang nasa kalokohan. Iyong tingin niya? Diyos ko! Parang X-ray na may kasamang 'kilala kita, kahit hindi mo pa 'ko kilala'. Wait lang, sino 'to?! Taranta kong in-scan ang memorya ko, iyong tipong fast-forward, rewind, slow-mo lahat sabay-sabay. Alam kong may pinadala sa'kin si Lolo Felan na profile ng buong pamilya ng kambal bago ako lumipad papunta rito, pero syempre, hindi ko pa nabubuksan iyon. Ang dami ko kasing gustong unahin—tulad ng pagkalma ng hormones ko sa presensiya ni Coco na siyang kasama kong bumiyahe. So ngayon, heto ako. Nakaharap sa isang eleganteng ginang na may aura ng 'I run this family' at wala akong clue kung anong pangalan niya, kung anong role niya sa buhay ng mga amo ko, o kung safe bang ngumiti ako o magmano. Pero isang bagay ang sigurado, kung may karakter sa teleserye na laging biglang sumusulpot tuwing may bagong mukha sa bahay para i-assess kung pasado o ipa-pa-pack up na, eh siya na 'yon! At base sa tingin niya sa'kin? Parang malapit na akong ipa-packaging tape. Bakit ngayon pa?! "Anong pangalan mo, 'Neng?" nakangiti niyang tanong sa'kin, malumanay, parang may halong amusement at sobrang harmless. Narinig ko ang sabay na pag-ubo nina Coco at Mhilo habang parang tinulos naman ako sa'king kinatatayuan. Hindi ko alam kung saan ako mas nagulantang, sa malumanay niyang tono o sa tinawag niya sa'kin. Tama bang tawagin akong 'Neng' gayong lalaking-lalaki ang pormahan ko?! Wala namang magic mirror dito na nagpapakita ng tunay kong anyo. Universe, bakit ganito? Suot ko na nga ‘yung best kong pang-lalaking barako look—black tuxedo, hanggang medyas ko ay tatak panglalaki. Isali pa ang buhok kong naka-slick back na parang bodyguard na pang-matrix tapos tatawagin lang akong 'Neng'? Pigil na pigil kong hindi mapangiwi. Alam kong kailangan cool lang, walang reaction. Pero internally, nagkakandarapa na iyong utak ko kung paano ililigtas ang sarili sa eksenang 'to. 'Neng daw oh! Hello po, Ma'am, bodyguard po ako, hindi muse ng barangay.' Pero syempre, hindi ako pwedeng umalma. Baka lalo pa akong mahalata. Kaya ngumiti ako. Iyong tipong kalahating ngiti, kalahating panic, tapos sinubukan kong babaan nang konti boses ko para may dating na authority. "Mico po. Mico Altare," pakilala ko sa ginang, sabay bahagyang tango, hoping na hindi na niya ulitin iyong 'Neng'. Pero habang nagsasalita ako, ramdam kong sinusuri pa rin niya ako mula ulo hanggang paa. Iyong tingin niya ay parang alam niyang may mali. Pakiramdam ko ay may radar siyang naka-tune sa 'fake boy alert'. Lord, kung papayagan niyong hindi muna ako ma-reveal ngayon, promise magbabasa na ako ng briefing file next time. "Mom, you're being rude to Mico," malumanay na saway ni Mhilo sa bagong dating. Mom?! Meet the mother na ba 'to? Juskow! hindi pa ako ready! Pakiramdam ko bigla akong ginawang contestant sa 'Meet the Parents: Bodyguard Edition' at spoiler alert—hindi ako prepared. Wala man lang cheat sheet o kahit babala na 'Warning: approaching parental unit. Brace yourself'. Napatingin ako sa ginang, as in, titig talaga. Mas maganda pa siya sa ibang celebrities na nakikita ko at nakakasalamuha during my party days. Hindi siya mukhang mommy ng kambal— mas mukha pa siyang ate ng mga ito na puro collagen at confidence. Ganito na ba ang standard ng mga ina sa bansang 'to? May secret spa ba sila na pinupuntahan? Ano kayang tubig ang iniinom nila at nagmumukhang may subscription sa fountain of youth itong kaharap ko. Gusto kong ilabas ang cellphone phone ko at i-search ang 'How to impress a hot mom who thinks you're sketchy'. Pero syempre, composed pa rin dapat ako. Chill at cool na parang softdrinks habang naka-bodyguard mode. Bukod kasi na nanay ng kambal itong kaharap ko ay isa rin siya sa mga taong kaya akong ipa-deport gamit lang ang isang sulyap. At sapat na ang mapanuri niyang tingin sa’kin upang iparamdam sa'kin na nasa gitna ako ng background check habang nag-a-apply bilang baby sitter ng mga anak niyang 6’2. "Oh, I'm sorry," maagap na paumanhin ng ginang sa'kin. Kimi pa itong napakamot ng ulo habang parang nahihiya ang tinging binigay sa'kin. Parang bigla siyang na-out of character na tipong high society queen na biglang naging shy girl sa nobela. Tsaka, hindi pa ako nito sinusungitan na kanina ko pa pinaghahandaan. "You’re just so handsome... I bet you’d be even prettier if you were a girl," dagdag pa nito. Ay naku, ay talaga! Pakiramdam ko parang may malaking spotlight na tumutok sa’kin at nagsimulang mag-play ng slow motion ang paligid, habang ako, unti-unting natutunaw sa kinatatayuan ko. Mommy, please... wag kang masyadong prophetic. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magpapakain na lang sa lupa. Like, thanks po sa compliment, pero iyong 'if you were a girl' part ay may twist tayo diyan. Plot twist pa more! Tumawa na lang ako nang konti bilang sagot. Medyo pilit kahit sa sarili kong pandinig. Iyong tipong 'hihi' na parang may kasamang konting 'hala'. At si Coco? Aba, ayun. Nakatingin lang sa'kin. Blank face, pero ‘yung isang kilay niya parang gusto na yata akong i-interrogate. Si Mhilo naman, mukhang iniisip kung okay pa ba 'tong bodyguard na 'to or may alternate backstory na dapat i-verify. Gusto kong umorder ng lupa, isang sakong pampalibing ng kahihiyan. Pero syempre, professional ako. Ilang ulit ko na bang pinapaalala iyon sa sarili ko? "Gusto mo bang bumisita sa bahay namin?" magiliw na tanong bigla sa'kin ng Mommy ng mga amo ko. Napalingon ako sa kambal, hoping may magbigay ng cue kung ano ang pwede kong isagot, sila naman kasi ang mga boss ko! Si Mhilo, composed pa rin, parang laging may sariling ring light at background music. Si Coco naman, walang emosyon sa mukha pero ‘yung mata niya parang may built-in lie detector. Pero teka lang... may na-pick up ako doon sa nabanggit ng mommy na 'bahay namin'. So... ibig bang sabihin niyon ay hindi na roon nakatira ang kambal? Kung bumukod na nga ng bahay itong dalawa ay ibig sabihin na para pala kaming magl-live-in nito kung doon na ako titira sa bahay nila. Lolo Felan, ikaw may gusto nito kaya huwag mo akong sisihin kung may mangyari sa puri ng mga apo ninyo. Naputol ang paglalakbay ng diwa ko nang muling magkasalubong ang tingin namin no'ng Mommy ng kambal. Ang gaan at saya lang ng vibe ni Mommy habang hinihintay ang sagot ko. Nakikita ko iyong tila excitement sa kislap ng mga mata nito. Wala naman siguro itong binabalak, 'no? Hindi man pangkontrabida ang vibes nito ay wala pa rin kasiguruhang safe ako. Pero syempre, ngumiti lang ako. Iyong tipong polite smile na hindi obvious na puno ng tanong ang utak ko. "Nakadepende po ang schedule ko sa schedule ng mga boss ko," sagot ko habang nakangiting maayos, tipong respectful pero may kasamang 'pasensya na po, hindi ko kontrolado ang buhay ko'. Gusto ko sanang dagdagan ang sinabi ng 'kung saan sila ay nandoon ako—parang anino pero may payroll' pero baka ma-misinterpret kaya hindi ko na tinuloy. Ngumiti ang kaharap ko, all charming and sosyal samantalang ako ay internally nagpe-pray na 'Lord, wag mo pong hayaan na ito pala ang hidden interview kung pwede akong maging daughter-in-law na hindi dapat!' Lalaki kasi ako ngayon, kaya hindi pwedeng daughter-in-law! Pero syempre, compose pa rin dapat ako. Hindi pwedeng halatang nanginginig ang kaluluwa ko sa possibility na makaharap ang buong pamilya ng mga amo ko habang naka-disguise pa rin ako bilang lalaking bodyguard. Plot twist level 99, girl! Note to self, i-clarify later kung friendly invite lang ba ito o soft interrogation sa sarili kong comfort zone. I need to call a friend, at si Lolo Felan lang ang nag-iisa kong friend na nakalista sa bago kong cellphone at bagong number. Dahil kasi sa sitwasyon ko ay kailangan kong mag- deactivate ng lahat ng social media accounts ko pati number ng mga beki-friends ko ay wala ako at bawal ko rin silang kontakin. Kahit gustuhin ko ay hindi ko saulo mga number nila. At lalong hindi ko maalala ang Chinese character na mga pangalan nila sa kanilang mga social media account. Ang sad ng buhay ko, buti na lang at may pakunswelong dalawang gwapong amo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD