"Opo, Ma'am," kalmado kong sagot. "Kakapasok ko pa lang po sa security team," dagdag ko pa at baka bigla akong utusang ipagtimpla siya ng kape. Mabuti nang malinaw na baril ang hinahawakan ko, hindi coffeemaker. Halatang nakainom siya at ebidensya ang isang bote ng imported wine na nasa poolside table. Halos nangalahati na ang laman nito. Uninvited guest tapos nakiinom at nakiligo pa, tama nga ang mga pinagsasabi ng mga kasambahay na makapal ang mukha nito. Kahit bahagya nang namumula ang pisngi ni Ma'am Reese ay hindi pa rin nabawasan ang may pagka-queen of entitlement niyang awra. Pati ganda ay litaw na litaw dahil sa pagiging mestiza. Hindi ko tuloy mapigilang ikumpara ang sarili sa kanya kasi mukhang katulad niya ang type ni Sir Mhilo. "A bodyguard?" pumalatak niyang tanong na tila

