"Let's go, Mico," tawag sa'kin ni Sir Mhilo. Hindi pa ako nakabawi sa shock na likha ni Sir Coco kaya wala sa sariling napahakbang ako palapit sa kanila. Kusang gumalaw ang katawan ko kahit lutang pa ang isip ko. Lumalabo sa paningin ko ang paligid at tanging nakikita ko ay ang kambal kong amo na tila ba mga bida sa isang pelikula na hinihintay ang kanilang prinsesa. Pareho silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang pinapanood ang paglapit ko. Ganitong-ganito ang eksena sa mga k-drama tapos kay background music na kahit hindi ko naiintindihan ay nakakakilig pa rin pakinggan. Tapos nakakahimatay sa kagwapuhan ang mga bidang tila ba sobrang saya habang hinihintay ang kagandahan ko— teka, bakit parang galit naman itong mukha ni Sir Coco? "There's really something creepy about you," luk

