chapter 7

1908 Words
Mula sa opisina ni Sir Mhilo ay ngayon kasama ko sa sasakyan si Sir Coco. Para mapanindigan ang pagiging professional ay tinatawag ko na silang 'sir' kahit sa isip lang. Para na rin hindi ko makalimutan kung saan ako lulugar at nang makaiwas sa tukso. Kasalukuyan kaming papunta ni Sir Coco sa sarili nilang bahay ni Sir Mhilo kung saan ako pansamantalang maninirahan habang nagtatrabaho sa kanila. Habang iniisip ang posibleng magiging buhay ko sa susunod na mga araw ay wal sa sariling napadako ang atensiyon ko sa dinadaanan naming kalsada. Kumunot ang noo ko nanf mapansing wala kaming kasabayang ibang mga sasakyan. Naalala kong hindi ganito katahimik ang dinaanan namin kanina galing airport—kasi nga, literal na para kaming nakipagpatintero sa dami ng mga pribado at pampasaherong sasakyan. Ang lala ng traffic, sobrang usok pa no'ng ibang sasakyan kaya talo pang may espiritung gustong palayasin gamit ang pagpapausok ng insenso. Kung makasigaw naman iyong mga jeepney barker ay parang may dalang megaphone sa baga. Bahagya ko pa ring naririnig kahit sarado iyong kotse. Maalikabok din ang paligid, tipong bawat buntong-hininga ko ay may halong air pollution partida nasa loob ako ng air-conditioned na sasakyan. May isang bahagi pa nga ng biyahe na muntik nang bumangga 'yong motor sa gilid namin dahil gusto lang sumingit. Mabuti na lang at bodyguard ang magiging trabaho ko, hindi driver. Pero ngayon? Parang biglang nag-shift ang mundo. Biglang wala na ang mga tao. Wala na ring mga jeep, at mga nagtitinda sa gitna ng trapiko ng kung anu-anong anik-anik. Kahit nga iyong nagbebenta ng basahan na bigla na lang kakalampag sa bintana ng sasakyan ay wala. Sa simula ay akala ko talaga sobrang congested ng siyudad na ito, pero mukhang may bahagi pa rin palang ganito kalinis at katahimik. "Kuya… este, Sir. Boss. I mean—ikaw. Saan ba talaga tayo dumadaan?"hindi ko napigilang tanong sa nagmamameho ng sasakyan. "Wala tayong kasabay, tapos ang tahimik ng paligid. Medyo sketchy na 'to." Hindi na sana ako magtatanong pero ganitong-ganito iyong nangyari sa'kin dati. Iyong bodyguard ko at ang driver ay biglang nasalisihan ng mga kalaban at huli na no'ng napansin ko iyon dahil dinala na nila ako sa lugar na hindi gaanong dinadaanan ng mga sasakyan. Kung hindi ako lihim na pinapabantayan ni Lolo Felan ay tiyak naging kwento na ako ngayon. Hindi naman sa wala akong tiwala rito sa apo ni Lolo Felan, dahil hindi naman siguro ito masisilaw sa pera. Ang iniisip ko ay itong driver namin, baka bigla ay dalawa na pala kami ni Sir Coco na parang mga kuting na nililigaw ng daan tapos isasako pagdating sa unahan. Mukha pa naman akong kasya sa 50 kilos na sako, ito nga lang kasama ko ay kailangan pa nilang hatiin para kumasya. "This is a private road," si Sir Coco ang sumagot bago pa makapagsalita iyong tinanong ko. Nang sulyapan ko siya sa tabi ko ay ni hindi man lang siya tumingin sa'kin no'ng magsalita. Mas interesado pa siya sa kung anong nakikita sa labas ng bintana. Wala namang matatanaw roon kundi ‘yong hilera ng mga punong kahoy sa gilid ng kalsada na pantay-pantay ang taas, parang may sukatang metro bago itinanim. Kung may award lang ang mga punong kahoy, baka ito na ang nanalo ng 'Best in Height Coordination'. Sino kaya ang landscaper nila? Lumalaban ito sa mga napuntahan kong mga tourist destinations at mga private estate sa ibang bansa, kahit gilid ng kalsada ay nagawa nitong picture-perfect. Alam mo 'yong tipong kahit nakasakay ka sa armored van at may death threat ka, mapapahinto ka muna para mag-selfie! Gano'n ka-curated ang vibes sa labas. May pakiramdam akong kung may filters ang totoong buhay ay naka-default sa aesthetic mode iyong kasalukuyan naming dinadaanan. . Kahit hindi satisfied sa walang kabuhay-buhay na sagot ng katabi ko ay tumahimik na ako. Sakto namang nagkasalubong ang paningin namin no'ng driver sa rearview mirror. Bigla akong napaayos sa pagkakaupo at inosente itong nginitian para hindi nito iisiping pinagdudahan ko ito kani-kanila lang. Kung lalala pa nang konti itong kapraningan ko ay baka mauna pa akong ma-admit sa mental facility kaysa maligpit ng mga hired killers. "Safe naman tayo— este iyong bossing natin, 'di ba?" kumurap-kurap kong kausap sa driver, para may mapag-usapan lang gano'n. Pasimpleng confirmation na rin iyon sa sarili kong safety. "Don't worry, Sir. We're on a secured route," pormal nitong sagot. Hindi ko na pinansin iyong tumataginting nitong 'sir' kahit parang may pumitik na pagtutol sa likod ng utak ko. "Kahit hindi mo man nakikita ay may mga nakatalagang guard sa mga piling lugar simula no'ng pumasok ang sinasakyan natin sa private road." Pinigilan ko ang urge na sumilip sa labas upang hanapin kung saang banda posibleng nakapuwesto ang tinutukoy nitong mga guard. "At bilang kasapi ng personal bodyguard team namin ni Mhilo, dapat inalam mo na ang ilang mahahalagang impormasyon bago ka pa man tumuntong dito sa bansa," malamig na sabat ni Sir Coco. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya habang nagsasalita kaya parang iyong mga puno sa labas ang kinakausap niya kasi roon pa rin siya nakatingin. "Dapat kabisado mo kung sino ang binabantayan mo, sino ang kaaway namin, anong mga panganib ang posibleng kakaharapin namin—at kung saan posibleng manggaling ang mga ito," mahaba niyang dugtong. Mas maganda pala talaga kung hindi na magsasalita itong si Sir Coco. Kasi parang mga pagkakamali ko iyong pasimple niyang pinupuna. Aba, sa training ko ay nabanggit naman iyon—kaso mas inuna ko muna kung paano i-holster ang pink kong baril kaysa aralin iyong mga impormasyong binigay sa'kin ng agency ni Lolo Felan. Maliit na lapse lang naman 'yon... 'di ba? Walang nasaktang living things, iyong kalooban ko lang dahil sa tono ni Sir Mico. Para kasi niyang sinasabi na hindi ako qualified sa trabaho dahil 'di ko nagawa iyong mga sinabi niya. Ayaw ko naman talaga magtrabaho! Mas gusto kong mag-cruise ship kasama ang mga kaibigan ko. Napansin kong natagalan na pala ang paninitig ko sa naka-side view na mukha ni Sir Coco nang walang babala niya akong nilingon. Muntik na akong masamid nang direktang salubong sa'kin ang asul niyang mga mata. Taranta tuloy akong napatingin sa harapan upang iiwas ang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang biglang pagkabog ng puso ko. Wala naman akong ginawang masama pero talo ko pa ang nahuli sa akto. Wala naman sigurong mali kung naabutan niya akong nakatingin sa kanya. Walang malisya iyon dahil sa porma ko ngayon at ayos ay pareho kaming lalaki. "At gusto ko lang ipaalala sa'yo..." pagpapatuloy ni Sir Coco na nagpatuwid sa likod ko. Ang lamig ng boses niya, tinalo ang lamig ng hanging binubuga ng aircon nitong kinalululanan naming sasakyan kaya hindi na rin nakakabuti. "...Na ang pinakaayoko sa lahat ay 'yong pakalat-kalat sa paningin ko ang mga bodyguard ko." Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon sa kanya habang inaanalisa ang bawat kataga ng pahayag niya. Wala sa sarili akong napalunok nang saglit na nagkasalubong ang paningin namin. Hindi ko natagalan ang pressure lalo na at parang gustong tumalon ng puso ko na ewan kaya muli akong nag-iwas ng tingin. Ibinalik ko ang atensiyon sa nabanggit niyang 'pakalat-kalat' dahil ako yata ang magiging pinakamagandang kalat kung magkataon. Pero mukha ba talaga akong kalat? Kasi may mga pinagtataguan akong mga gustong lumigpit sa'kin, tapos ngayon ay may pasimpleng pa-warning itong bago kong amo! "In short, I want you to protect me from the shadows," pagpapatuloy ni Sir Coco. "And will just appear in my sight if needed." "Noted, sir," halos pigil-hininga kong sagot at baka pati paghinga ko ay ituring na 'visual disturbance'. Kahit hindi na ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang nanunuot niyang titig. Pinipigilan ko ang sariling bigyan iyon ng ibang meaning. Masyado na akong assuming kung pag-iisipan ko pang may ibang kahulugan ang malagkit niyang mga titig gayong hindi naman kami talo sa paningin niya. Imposible naman kasing katulad ko ang preference niya gayong mukha akong bakla na tomboy sa halip na magmukhang lalaki. Sana ay sinunod ko na lang ang suhestiyon ni Lolo Felan tungkol sa pekeng bigote. Para naman kahit papaano ay hindi ako malito sa disguise ko at hindi ganitong mukha akong half-half—'yong itsura ng cappuccino na may perfect foam sa ibabaw pero puro gulo sa ilalim. Patay-malisya pa rin ako habang diretso ang tingin sa harapan nang muling magsalita si Sir Coco. "You’ll be introduced to the rest of the security team when we arrive," aniya. "You’ll be working with them moving forward. We need everyone aligned and moving as one unit." Unti-unti ko pa lang sinasanay ang sarili ko sa malamig niyang boses kaya medyo mabagal iyong processing ng utak ko sa mga sinabi niya. "Sir," seryoso kong usal sabay lingon sa kanya. Ngumiti ako nang pang-diplomatic kagaya ng turo sa akin ni Ambassador Chu noong tinuruan akong makipag-deal sa mga European royals. "With all due respect, I was deployed under direct orders from Felan Carson on a solo mission," mahinahon pero may diin kong pagpapatuloy. "Meaning no shared spotlight, no ensemble cast, and definitely no trust fall exercises." Hindi ako pwede sa teamwork tapos mga ka-team ko purong mga lalaki, mas lalong magkandaletse-letse ang pagkukunwari ko! "That wasn’t a request," balik ni Sir Coco. "It’s an order," mariin niya pang dugtong. Oh wow. Power move unlocked. "Sir, kung gano'n po, baka magka-conflict tayo ng memo," hindi nagpapatinag kong tugon. "Mr. Felan Carson said I work alone. Walang ibang kasamang may headset na pwedeng mang-agaw ng moment ko sa surveillance footage." At dapat walang ibang makakaalam na hindi naman talaga ako magtatrabaho as in trabaho kundi ay mas lamang na magtatago ako. Kunwari lang iyong trabaho katulad nang kunwari ay lalaki ako! Hindi agad sumagot si Sir Coco. In fairness, napatahimik ko si Mr. Ice-cold, pero hindi pa rin ako pwedeng makampante. "If that’s the case," sagot niya pagkatapos ng ilang segundo, "Then we have a problem. I don't tolerate lone wolves. If you're not part of the pack, you're a liability." Pack? Kanina lang ay parang kalat ako, ngayon ay kinumpara na naman sa hayop— hayop sa ganda lang talaga ako! "Well, I may not be part of a pack, sir, but I am a limited-edition designer bag—not mass-produced, not for everyone, and definitely not meant to be thrown in a pile with cheap knockoffs. Solo lang talaga ako by default," hindi nagpapatalo kong wika habang nagpapakita ng mild attitude with a hint of class. Hindi ako bumitiw sa matalim niyang titig habang inaayos ulit ang pagkakaupo—parang disowned trust fund baby na kakalabas lang ng press conference para i-announce na may sarili na akong negosyo at hindi ko na kailangan ng yaman ng pamilya ko. Char. Pero seryoso, gano'n ang vibe. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan. Kung puwede lang i-connect sa WiFi 'yung tensyon, malamang full bars na at may hotspot pa. Huminga siya nang malalim, 'yong tipong parang pinipigil niya ang sariling ipa-deport ako sa dimension ng mga maarte kasi hindi pwede dahil lalaki ako. "Three days," pahayag niya, kalmado pero malinaw ang babala, na parang binigyan lang ako ng last chance bago ako ipatapon sa isang training camp na walang aircon. "Don’t make me regret it." Napangiti ako—'yong tipong pang-campaign smile sa charity gala. Feeling winner dahil natalo sa argumento ang isang Coco Carson. "Para saan nga pala iyong three days?" bigla ay inosente kong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD