Habang nagdi-dinner kami kanina ay nabanggit ni Tita Kikay na palaging late itong si Sir Coco. Pero bakit ngayon ay eksakto ang dating nito sa eksena? Walang effort, pero ang lakas ng impact. Nakatayo nga lang siya pero automatic may sound effect sa utak mo—slow motion at may kasama pang ihip ng hangin. Naputol ang nagaganap na eksena sa utak ko nang magsalubong ang paningin namin. Saglit lang iyon at mga isang segundo lang yata pero pakiramdam ko nakita niya ang buong katauhan kong pilit kong itinatago sa likod ng pressed slacks at low voice register. Wala sa sarili tuloy akong napainom sa hawak na wineglass. Dala siguro ng kaba ay hindi ko nalasahan ang wine, kaya inubos ko na lang na parang umiinom ng tubig. "Coco, tapos na ba ang pinag-usapan ni'yo," kausap sa kanya ni Tita Kikay

