Chapter 38 Cloud Assunsion's Point of View After ako kausapin ni Cheng at lumabas din siya ng silid. Nakakasar, wala akong magawa. Hinayaan kong mapunta ako sa ganitong sitwasyon. Kung kasama ko lang si Mist ay hindi mangyayari ito. Dapat inisip ko na talaga ang mga consequences ng mga ginawa ko. Ngayon, walang kasiguraduhan ang buhay ko, kung makakaligtas ba ako o hindi. I am hoping na mailigtas ako, na malalaman ni Mist ang kalagayan ko. Bigla na lamang akong nakarinig ng mga putok ng baril. Nakarinig ako ng mga ingay galing labas. "Sino 'yun? may nakapasok?" "Babae daw! Si Mist yata!" "Naubos na ang mga bantay sa baba. Huwag niyong hayaang makaakyat dito!" Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa wakas nandito si Mist. Ililigtas niya ako. Kahit na sinaktan ko siya ay pinuntahan pa din ni

