Chapter 31 Mist Villareal's Point of View Mukhang nahanginan na naman ang tuktok ni Cloud at nagyaya mag-date. Ang cute niya noong nagsabi siya sa akin na magdate kami. Parang bata pero sa totoo lang, kinikilig ako. Ang gentleman pa ng loko, binitnit niya ang bag na dala ko kahit pa shoulder bag lang naman 'yun. Maaga kami umalis sa mansyon nila at siguro nasa isang oras na ang byahe namin. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang binabaybay namin ang national highway. Sa totoo lang wala aong idea kung saan niya ako dadalhin, ayaw niyang sabihin kung saan ang destination namin. Papunta yata kamin sa kawalan. "Basta." Sagot niya at napairap ako. See? ayaw niya sabihin. Mayroon na palang lugar na basta. Sumandal na lang ako sa may bintana at pinagmasdan ang paligid, ang aga ko nagis

