Chapter 25 Mist Villareal's Point of View Damn! Ano ba itong nangyayari sa akin? sa pagkakaalam ko hinahabol ko ang lalaking nagtangka kay Silver pero bakit ako na ngayon ang tumatakbo? tumatakbo ako sa isang napakadilim na lugar. Napakadilim ni katiting na ilaw ay wala akong makita, hindi ko na nga alam kung dilat ba ako o hindi. Nasaan ba ako? "Tulong! Cloud! Sun! Sky! Dark!" Sigaw ko pero wala akong narinig na sagot. Tanging boses ko lang ang umaalingawngaw sa lugar. Lugar na hindi ko alam kung saan, lugar na puro kadiliman lamang. Huminto ako sa pagtakbo at napayuko na lamang. Hingal na hingal ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako tumatakbo. Ramdam ko ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko, rinig ko ang bawat t***k nito. Nagdesisyon akong maglakad na lang sa kawalan. I don't know wh

