Chapter 1

1062 Words
Chapter 1 Mist Villareal's Point of View "Villareal, pinapatawag ka ni Boss," sabi ni Sun, isa sa mga katrabaho at childhood friend ko. Napatingin ako sa kaniya at agad ko namang binaba ang hawak kong tablet. Istorbo talaga iyang si Sky, alam niyang ganitong oras ako naglalaro ng candy crush. Breaktime ko kaya. "Bakit daw?" tanong ko. Umupo muna siya sa tabi ko bago sumagot. "Ewan ko. Baka may gagawin kayong milagro sa opisina niya." sinamaan ko siya ng tingin. Minsan talaga bastos ang pag-iisip ng lalaking ito e. "Gago!!!" sigaw ko at binatukan siya. Napahawak naman siya sa ulo niyang naalog. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Ayoko namang pumasok sa office ni Sky na mukhang haggard. Mapang-asar kaya ang isang iyon. "Ipa-level mo yang Candy Crush ko! Ang hirap eh!" then naglakad na ako papuntang elevator. Nakita ko naman siyang kinuha ang tab at naglaro na. "Sure!" narinig kong sabi niya bago magsara ang elevator. Bakit ba kasi nasa 25th floor ang opisina ni Sky? nasa 21st floor palang at biglang bumukas ang pinto ng elevator. Nakita kong nagtatawanan pa ang ilang agents at mukhang hindi nila napansin na bukas na ito. "Ang guwapo ni Sir Sun no?" dinig kong tanong ng isa. Napaikot naman ang mata ko sa narinig, si Sun guwapo? saan banda? "Oo nga eh, si Sir Sky din kaso bihira lang natin siya makita dito sa floor natin," sagot naman ng isa at nagtawanan sila na akala mo may iniipit sa kanila. Ang sakit nila sa tainga. "Sasakay ba kayo?" tanong ko at napatigil naman sila nang makita ako. Nanlalaki ang mga mata nila at agad umiling iling. "Hindi po!" sigaw nila pareho at tumakbo palayo. Ako naman ay sinara na ang elevator at nasandal na lang ulit. Ganoon ba ako katerror? Isa kasi akong trainor dito sa agency at aminado akong masungit at mahigpit ako sa ibang agents. Ako nga pala si Mist Villareal, isang agent. Kung gusto mo akong maging kaaway tawagin mo akong VILLAREAL pero kung epsi ka eh di MIST! Isa akong agent dito sa Scarlet Security Agency. Kapag wala akong misyon ay ako ang nagte-train sa mga bagong pasok na agents.  Ilang sandali pa ay huminto na ang elevator sa 25th floor kung nasaan ang opisina ni Sky Angeles, ang boss ko. Siya ang current head ng Scarlet. Nakita kong may kausap ang sekretarya ni Sky  sa phone. Naku kung makahagikhik kala mo may sinusundot sa kanya. Nang makita niya ako ay agad niyang ibinaba ang telepono. Para siyang nakakita ng multo. "Ma'am Mist," sabi niya. Wala pa nga akong ginagawa pero halatang natatakot na siya sa akin. Minsan talaga siguro ay bawas-bawasan ko na ang pagiging masungit, halos lahat yata ng nandito takot sa akin eh. "Akala ko di mo na ako mapapansin." sabi ko sa kanya. Nagmamadali siyang tumayo para pagbuksan ako ng pinto ng office ni Sky pero  hindi ko na siya hinintay pa at pumasok na agad ako sa loob.  Pagpasok ko ay nakita ko si Sky na printeng nakaupo sa kaniyang swivel chair, masayang naglalaro ng kanyang rubrics cube at nakataas ang mga paa sa lamesa. Napailing na lang ako sa nakita ko. Papaano kung si big boss ang pumasok bigla eh di deads na siya? katakot-takot na sermon na naman iyan. "Anong kailangan mo? I am in the middle of playing candy crush," sabi ko at naupo sa swivel chair na nasa harapan ng lamesa. Nagulat naman siya at nabitawan ang rubrics cube na hawak niya. Ibinaba naman niya ang mga paa niya at napangiti sa akin ng alanganin. "Nandiyan ka na pala," sabi niya at nginitian ko din siya ng alanganin. "So ano nga kailangan mo? breaktime ko di ba?" "May bago kang assignment," pagsabi niyang 'yun ay bigla na lang akong naexcite. Sa wakas! After ilang momths may assignment na ulit ako. Inaamag na ang skills ko, nakatengga lang kasi ako dito sa officce. "Talaga? ano? come one tell me!" "Excited?" tanong niya. Hindi pa ba obvious?  may kinuha siya sa drawer niya at isa itong brown folder at  inilapag niya iyon  sa harap ko. Kinuha ko ito at binuksan. Tumambad sa akin ang isang larawan ng lalaki. Tinitigan ko itong mabuti at masasabi kong may hitsura ito. Tiningnan ko din ang mga info na nasa folder at dito ko nabasa ang isang pangalan. "Cloud Assunsion." basa ko at tumingin kay Sky. "Am I going to kill him?" tanong ko at umiling-iling naman siya. "Nope." sagot niya while popping the sound Pp. "Eh anong gagawin ko? ano ba ito surveillance?" "Bantayan mo siya." SImpleng sagot niya na ikinataas ng maganda kong kilay. "Ha?! Gagawin mo akong babysitter?!" sa ganda kong ito babysitter lang ang assigment ko? baka lalong amagin ang skills ko niyan. "Abno! You are going to be his bodyguard." "Eh bakit ko siya kailangang bantayan?" "Because, his family is one of the big fishes in the country in terms of business. Ilang weeks na silang may natatanggap na mga death threats." "Pamilya? eh bakit siya lang ang babantayan ko? I mean nag-assign ka ba ng mga agents natin for the whole family?" tanong ko at umiling naman siya. "Ikaw lang ang agent galing dito sa atin. Ang sabi ng mother niyan ay ayaw  kasi ng anak niya na magkaroon ng bodyguard. Ayaw niyang may sumusunod sa kaniya. You know typical sa isang brat ang mga ganyang hinaing." "Ang arte niya ah! Ano reward ko if ever I completed this assignment?" aba syempre bukod sa sahod ay reward din ang hanap ko. Lahat ng agents na nakaka-complete ng mga assignments ay ,akakatanggap ng reward.  "Putek Villareal! Kanina ka pa tanong ng tanong ah!!" "Eh sa gusto kong magtanong eh! Anong magagawa mo?! And ofcourse ayokong sumabak sa giyera na walang alam. " dahil sa inis ko ay inirapan ko siya. Kahit na magkaibigan kami nito babambuhin ko siya kapag napikon talaga siya. "Ano ngang reward ko dito?" sabay wagayway ng folder. "5 months vacation sa London!! Libre ko lahat!!!" Five months vacation? at sa London pa? one of my favorite country! Tapos libre pa! Oh my God! Magbabakasyon ako ng walang inaalalang gastos. "Okay! Siguraduhin mo yan ah!" "Kuripot ka talaga. Ayaw gumastos." "Masama bang magtipid?" at lumabas na ako ng opisina niya. Yes! Five months sa London? tapos sagot pa ni Langit! Oh my golly wow! Thats what we call life! So kailangan ko lang gawin ay bantayan kung sino mang Cloud na ito at kapag natapos ay makakakuha ako ng sahod at lilipad na patungong London! Prince William and Prince Harry here I come! Ay wait isama na natin si Rowan Atkinson. Prince Williaam! Prince Harry! Mr. Bean! Here I come! Hintayin niyo ako makarating diyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD