Chapter 21 Mist Villareal's POint of View Nakangiti akong pinagmamasdan si Cloud na nasa dancefloor, isinasayaw niya ang kapatid niyang si Gold. Parang gintong kumot ang lumalatag everytime na iniikot ni Cloud ang kapatid. Si SIlver naman ay isinasayaw ni Thunder. "Can I have this dance?" agad akong napatingin sa nagsalita. Napasimangot ako, si Apoy lang pala. "Ayoko Fire. You know I hate to dance." Sabi ko at inirapan siya. Alam naman niyang hindi ako nagsasayaw dahil bokya ako diyan. kahit nga budots ay hindi ko kaya. "Sige na. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang," sabi niya tapos ay lumuhod pa siya sa harapan ko habang nakalahad ang kamay. Nagtinginan naman ang ilang mga bisita sa amin. Ang epal talaga eh. "Wow! Ang sweet naman nila," "Ang guwapo ni guy, ang ganda ni girl.

