[Lea's POV] I was eating my apple while sitting on the edge of the pool. Nakababad ang mga paa ko habang pinapanood si Eion na pabalik-balik sa paglangoy. Nakatitig ako sa kanya hanggang sa makalapit siya. "Nagkausap kayo ni Cy, noh? Naabutan ko kayo kanina sa bus na kayong dalawa lang. Is that the reason why you weren't in the mood? What did he said?" Nakapangalumbaba siya sa may gilid ko habang hinihingal. "He accused me of bullying Pau." "Totoo naman, 'di ba?" Tumawa ito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I know, it's just that... naisip ko rin kasi na, what if si Pau naman 'yung bu-bully sa akin? Would he even defend me? O ako pa rin ang papagalitan niya?" Hinagis ko ang buto ng apple sa may trashcan at pumasok iyun. "Why do you even care?" He asked. His voice was husky and sound

