[Lea's POV] Excited at kinakabahan ako para sa dadating na sabado. Inimbitahan ako ni Lanz at ni Coach para maging guest sa practice game ng PHS Lawn Tennis Team. Ilang taon na ang lumipas at simula ng pagdating ko ay hindi pa ako nakakabisita ng PHS. Gusto ko ulit makita ang court at ang gym para tingnan kung may pinagbago ba. "Ang laki na ng narating mo." Mabilis kong niyakap si Lanz nung magkita kami. Sa UST siya ngayon nag-aaral at engineering ang kinuha niya. Bobo rin ito sa math, ewan ko kung sa'n niya nakuha ang lakas ng loob na pumasok sa ganoong kurso. "Tumigil ka kasi!" Sinimangutan ko siya. Pagtungtong ng Senior High School, narinig ko kina Eve na tumigil si Lanz sa paglalaro at nag-transfer na rin ng school para mag-aral nang mabuti. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala.

