Naglakad ako sa gilid ng kalsada habang ang dalawang kamay ay naka hawak sa dalawang sling ng aking lumang back pack. Patungo sa aking mga kaibigan na kasabay ko pumasok sa skwela, hindi ko sila ka klase pero pareho kami ng paaralan na pinapasukan. This is my daily routine, maagang gigising alas pa lang kwatro ng umaga para maghanda para sa klase. Magluto ng kanin para sa agahan at para sa dadalhing baon sa eskwelahan para sa darating na tanghali. Yung ibang kaklase ko ay masuwerte dahil hindi na nila kailangang gumising ng napaka aga para mag luto kasi mga nanay na nila ang gumagawa para sa kanila nag aayos ng lahat ng kakailanganin nila para sa skwela. "How lucky they are" I thought to myself. Ako nasanay na ako sa ganitong buhay. I was 5 years old nang mag hiwalay ang mga magulang ko and after nun pinagpasa pasahan na ako ng mga kapamilya ko kung saan saan na ako tumira for the sake na may matirhan at para makapag aral. Tumatak na sa murang isip ko noon na pag nakatira ka sa ibang bahay kailangan mong gumawa ng mga trabaho. Kailangan mong kumilos or else they will get disappointed dahil tamad ka or palamunin.
"Rhy! Bilisan mo, may sasabihin kami sayo!" tawag sakin ng mga kaibigan ko nang makita nila ako na papunta na sa lugar kung saan kami nag aabang ng jeep o bus para masakyan papuntang paaralan. Kaming tatlo ang laging magkasabay na nag aabang papuntang school kasi mag kapitbahay lang naman kaming tatlo.
"Anong sasabihin nyo?" maikling tanong ko sa kanila. Alam ko naman kung ano ang sasabihin nila, nahuhulaan ko na.
"Nag text sakin si Gary kagabi! At inimbitahan niya kami na pumunta sa kanila ngayong Sabado!" excited na sabi ni Zalie.
"Sama ka!" masayang wika ni Jean nakakatandang kapatid ni Zalie isang taon lang ang pagitan nilang dalawa kaya magka vibes sila.
"Hindi pwede eh" maikling tugon ko, may gagawin ako ngayong sabado atsaka nahihiya ako na mag lakwatsa baka magalit sakin ang tiyahin ko. Sa pinsan ng mama ko ako nakatira ngayon matapos akong palayasin ng kapatid ng lola ko dahil nabasa niya ang love letter na gawa ko. Ang buong akala niya sa akin talaga yun at ako ang unang magpapadala ng love letter na iyon sa 'crush ko kuno' pinagalitan niya ako kung bakit ako ang unang mag take ng move para sabihin sa lalaki na gusto ko siya. Hindi niya alam ang boung katutuhanan at hindi na rin ako nag aksaya ng panahon para sabihin pa sa kanya. Pagod akong makipag talo alam ko na sa sarili ko na papaniwalaan niya ang sarili niya.