YUNA POV"
Pinatabi ako ni professor sa isang bakla, sayang ang gwapo pa naman nya
Hindi man lang nyaako binati at parang ang lahat ng tao dito sa class nato ay hindi magkakaibigan
Walang nag chi-chikahan at parang may nag babantay na isang malaking delubyo
Habang pa lingalinga ako ay may napansin akong kakaiba, may limang kalalakihan sa bandang gilid at ang line nila ay walang tao? May mga upuan ngunit wala namang nakaupo at tanging sila lamang lima ang nakaupo roon.
"Ms. Willer ako ang adviser dito ako si prof. Galvin delion you can call me Prof. Galvin" Wlang emosion na banggit nya
Tumango lamang ako, kakaibanf school to ah parang walang mag kakaibigan, except sa limang- hala?!
Ang apat na nakausap ko kanina? Yung may badjoke? Classmate ko? T*ng*na naman oh!
Bat ba napakamalas ko? Bakit?
Ilang minuto ang pag di-discuss ay nag bell nanga para sa recess time
Ako lamang ang mag isang lumabas at ng makalabas nanga ako ay lumabas din sila, napansin ko na mag kakaibigan pala ang mga to? Takot ngalang ba sila sa prof namin?
Habang nag lalakad ako papunta sa canteen ay may nga tao talagang napaka chismosa
'sandali new student basya dito?'
'mukha nga'
'balita ko sa ruby daw sya'
'hala napakamalas naman nya'
'oo nga sobrang malas'
Mga naririnig ko
Malas? Pinagsasabi nila? Diko maintindihan?
"Huy bakla!" May biglang humawak sa balikat ko
"An-" papalag sana ako ng makita ko ang seatmate ko
"Pasensya kana ha? Hindi kita pinansin kanina kase ayaw ng maingay ang nakakabwes*t at nakakatakot na demonyong si Theron" inis na wika nito
Ha? Diko maintindihan
"D-diko kase masyado gets?"
"Ganito kase yun bakla, kita mo ang limang naroon yung mga magkakagrupo? Yung medjo badboy? Ah hindi medjo badboy talaga"
"Oo kita ko bakit?"
"Kase kilala ang grupong yun dito sa school nato na mga bully, mga sobrang yayaman kase kaya ganun, palaging napapa guidance kase nga sa bully pero hindi naman sila naalis kase nga may backer"
"kaya pala" tanging nasabi kolang kase hindi ako makapaniwala
"Pinakakatakutan namin sa lahat ay yung natutulog kanina" saad nito
"Natutulog-" nanlaki ang mga mata ko dahil naalala kona ang lalakig yun
Sya pala yung nabangga ko kanina, naku naman oh!
"Sya si Theron Suex Pinakamayaman sa campus nato kaya nga walang nagtatangkang bumangga sakanya eh"
"Ganun ba tlaga sya kadelikado?"
"Oo, at kailangan mong mag ingat sakanya pag nasalamuha mosya ay punta ka agad sa gilid at wag kang titingin sa mga mata nya, wala syang sinasanto pati nga guro binabastos nya at wala syang pinalalagtas na mga nagkasala sakanya"
Ng marinig ko ang huling sinabi nya ay naguluhan ako, hala lagot na? Nasira ko ang tape nya.
Nakilala nyaba ako? Shet naman oh.
Yuna ang malas mo talaga kahit kelan
"Btw i'm ricky Salmonte you can call me rica"
"Rica?"
"Oo kase nga look at me i'm gay"
"Ah oonga pala"
Habang nag lalakad kami patungo sa room namin ay hindi inaasahang mangyari, nagkasalubong kami ng group of bullies
Hindi ako yumuko dahil ayus lang naman sakin yun, hindi ako mag papatalo kase isa akong-
Wala never mind.
Huminto ang baklang kasama ko at tumingin sa ibaba, parehas lamang sila ng ibang student pero tiningnan ko talaga silang mabuti
Gwapo sana sila kaso ang papangit daw ng ugali
"Wait dude" huminto ang isa nilang kasama yung ang corny ng joke
"Ikaw yun?" Tiningnan nyaako mula ulo hanggang paa
"Ah hindi, hindi ako yun" naiirita kung sabi
"Ay aba palaban" sabi nung naka black kanina
"Yan ang gusto ko hard to get" sabi nung naka sando
Hala ang b*b* ko, kailangan ko dapat taguan yung lalaking nakabangga ko kanina kase baka pag bayarin nyaako wala naman akong pera, lagot na
"Para kang isang langgam" sabi nung joker na ang sama naman ng joke
"Langgam? Kase ang cute ko" ako yung sumagot
"Cute mo yang mukha mo"
"Iba sya, halatang halata sa kutis mo ms. Willer na natural, wala kang ginagamit tama baako?" Ang kanina hindi nagsalita na lalaki na may headphone
"Tama ka, natural beauty konga to kaya umalis nanga kayo" iretableng wika ko
"Ang bastos mo" ito nanaman sya pag bubuhatan nanamn ako nang kamay
Lagot na, masakit siguro to!
"Stop it!" Pag puna ng nakabangga ko kanina
"Theron" sambit nila sa pangalan ng nakabangga ko na mukhang hindi makapaniwala
Lumapit saakin yung nag ngangalang theron at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko na mukhang hahalikan nyaako
Napaatras naman ako ng kaunti dahil sobrang lapit na talaga
"May utang kapa sakin, at babayaran moyun" sabi nya at tumalikod na "let's go"
Walang nagawa ang mga kasama nya kundi sumunod nalang, mukhang leader sya
Patay naako! Wala akong pera
"Huy bakla? Anong utang ang sinasabi ni theron? At bakit kapa sumagot sa mga bullies ha? Alam mobang kaparusahan nun? Di kananila tatantanan" pag aalalang wika ni rica oh ang baklang kasama ko
"Hindi kase ako makapagtimpi, alam mobang ang pangit ng joke nung mukhang joker ha? Badjoke talaga, ang corny pa" naiinis na sabi ko