CHAPTER ONE

2455 Words
The dark reigns the whole school. It's quiet and neat not until one teenage boy running, sweating, and panting for his life. He is chased by someone with a knife. Blood is flowing through the knife while holding by someone with an evil smirk plastered in it's face. The boy end up running thru the rooftop, he immediately locked the door and hide him self in the dark side of the rooftop. He is sure by himself that he is safe, because the door is made of steel. No one can open it by push or kick. Minutes had passed and he is still safe hiding his self in the rooftop. Isang mahinang ingay ang narinig niya na sa pagkakaalam niya ay nang gagaling sa pintuan. Kinakabahan siyang sumiksik ng hindi nakakagawa ng ingay. Gustuhin man niyang umiyak ay hindi niya magawa pati ang pag hikbi niya ay kanyang pinipigilan. "Well now we can play game. How about hide and kill? fun isn't it?" Tumawa ito ng nakakatinding balahibo. Napalunok siya ng marinig ang nakakatakot na halakhak nito na ngayon niya lang narinig sa buong buhay niya. "1.." Nakahawak ang isa niyang kamay na nakatakip sa kanyang bewang kung saan siya nasaksak upang pigil ang dugo na umaagos rito pero kahit anong pigil niya ay hindi parin ito tumitigil sa pag-agos. "2.." Sakit, takot at pangamba ang namayani sa ka looban niya. Mahina siyang humihiling na sana'y isang masamang panaginip lang ang lahat. "3..." Sa hindi niya namamalayan ay may biglang lumapit sa kanya at sinakal ang kanyang leeg, pilit siya nitong pinapatayo. Ngayon ay kitang-kita niya ito sa malapitan kung sa ibang pagkakataon lang sila nakita ay nasisigurado niyang mamamangha siya sa kulay asul nitong mga mata. Nakasuot ito ng gloves at hood kaya't mata at labi nitong nakangisi ang kanyang tanging nahahagilap sa dilim. "B-baliw.. k-ka!..." tanging na isigaw niya ng bigla siya nitong suntukin na tumama sa bewang niyang may saksak. Napaubo siya ng dugo na tumalsik sa mukha ng kaharap niyang nakangisi sa kalagayan niya. Nanlaki ang mga mata niya ng tikman ito ng kaharap niyang gusto siyang patayin sa hindi malamang dahilan. "S-sino-ka b-ba?" Nanghihina niyang tanong. "I'm you're living nightmare." Tumawa ulit ito ng nakakatindig balahibo. "B...bakit m-mo to ginagaw-wa." Napaubo ulit siya ng dugo. "Kailangan ko pa ba 'yang sagutin? Syempre, kasi nasisiyahan akong nakikita ang mga biktima 'kong umiiyak at nagmamaka-awa habang umaapaw ang kanilang dugo. Let's say it's one of my hobbies." Humalakhak ulit ito. "Mga b-biktima..?" Naguguluhan niyang tanong. Akala niya ay hindi na siya sasasgutin nito ng bigla itong ngumisi ng napakalawak. "Oo. 'Mga biktima' hindi lang ikaw dahil, marami kayo. Alam mo 'yung mas masaya?" Napaatras siya sa dahil sa takot. Ngunit lumapit ito sa kanya niya ng nakangisi. "Na lahat ng nagiging biktima ko ay namamatay." Napalunok siya at humakbang paatras,natigil siya sa paghakbang ng nabunggo ang sementong pader na pumipigil sa kanya para hindi mahulog. Nanginginig siyang napalingon sa ibaba ng rooftop habang nasa kinakatayuan. Sobrang taas nito na kahit sino man ang mahulog o tumalon diyan ay siguradong mamamatay. "Let's start the real game." Napalingon siya rito na ngayon ay nasa harapan niya na at pinaglalaruan ang dugoang kutsilyo nito sa kanyang kamay. "I'll give you two choices to save your life." Tila nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi nito. "T-talaga...? S-sige.." "First choice is you jump off in this rooftop so you kill your self." Tila gumuho siya sa sinabi nito, akala niya ito na ang pag-asa niya pero hindi pala. "Or your second choice is I'll kill you. Do you want me to count?." Bumalik ang nakakatindig balahibo nitong tawa. Tila bumuhos ang luha niya gustuhin man niyang magsalita at magmakaawa ay walang lumalabas sa bibig niya. Ayaw niya mang mamili sa dalawa ay wala parin siyang magagawa dahil mamamatay at mamamatay rin siya sa kamay ng demyong kaharap niya. Nagdadalawang isip man siya ay nakapagdesisyon na siya, ayaw niyang ang demonyo ang mismong kumitil sa buhay niya. Patawarin sana siya sa kanyang magagawa. Malakas na hangin ang sumalubong sa kanya ng umakyat siya at tumayo sa sulok ng rooftop. Tumutulo ang kanyang luha habang mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Nilingon niyang muli ang nakangising demonyo na tila tuwang-tuwa sa kanyang gagawin. He raised his middle finger and finally jump off the rooftop. *** KIL ANGEL CARSON NAGISING ako dahil sa lakas na pagkatok sa aking pintuan ng aking kwarton mabilis ako bumangon at tumungo sa pintuan upang ito'y buksan. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin si Mina ang kasama ko sa apartment pero magkaiba kami ng kwarto. "Magbihis kana. Baka nakakalimutan mo maaga tayo ngayon." Napalingon ako sa kanya na nakasuot na ng uniporme. "At saka nandito na sila nagluluto bilisan mo na." Sabi niya at tinulak ako papasok. "Oo na. Maliligo na momma." Natatawa kong asar sa kanya at tinulak siya papalabas sa kwarto. "Heh! Basta good morning." Tanging sambit niya bago tuloyang umalis. "Good Morning.." Isinirado ko na ang pinto. Kumuha na ako ng susuotin ko at tuwalya atsaka tumungo sa banyo. I usually stays half hour in the bathroom but I need to be quick so it takes me five minutes and go. Lumabas na ako sa banyo ng naka uniporme at pinapatuyo ang buhok ko gamit ang blower madali lang matuyo ang buhok ko dahil sa maikli lang ito. Pagkatapos ko sa mga ka artehan ay lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa sala kung saan nandoon sina Erwan at Arky na inihahanda ang lamesa. "Good Morning Guys!" Masaya kong bati ng makalapit ako sa kanila. "Morning too, Kil.." "Good Morning ghorl! Napaka aga mo grabe." Ani Arky. "I take that as a compliment. Thank you sis!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likuran. Kaagad niya rin akong tinulak papalayo. "OMG! Sis for boys only lang ang katawan at kaluluwa ko, hmp." Nandidiri niyang pinagpagan ang kanyang balikat habang kami naman ni Erwan ay natatawang pagmasdan siya. "Teka asan sila?" Tanong ko ng mapansing wala sila Mina. "Asan pa ba, aber." Nakataas kilay at nakahalukipkip niya sabi. Ang taray ng may matres! "Nasa kusina." Si Erwan ang sumagot sa katanungan ko mabuti at nandito si Nach mukhang beast mode ang lola. Nagpaalam ako sa kanila na dumiretso sa kusina kung saan naroroon sina Mina at Rian. Naghuhugas ng kamay si Rian habang si Mina naman ay inilalagay sa lalagyan ang ulam. "Good Morning girls!" Masayang bungad ko sa kanila. "Tulungan na kita." Aya ko kay Mina at pinalitan siya sa paglalagay ng ulam. Pagkatapos namin ay saby kaming pumunta sa sala kung saan naghihintay si Erwan at Arky. Naupo si Mina katabi ni Erwan at si Rian naman ay katabi ni Arky at dahil iisa nalang ang natirang upuan ay sa center table ako na upo kaharap sila. Masaya kaming nagkukwentuhan at nagkakatuwaan habang kumakain naudlot ito ng may tumawag kay Rian kaya't natahimik kami sa pagkain. "Guys, sabay daw tayo kay Terrence papuntang school." Sabi ni Rian ng pagkabalik niya. Naguguluhang napatingin kami sa kanya. "Di'ba grounded siya kaya di na siya nakakasabay these past few weeks?" Tanong ni Mina. Napatango kami. Tama! Sa pagkakaalam ko grounded siya dahil nung nakaraan ay nakabangga siya ng sasakyan. Mabuti nalang at walang nasaktan at minor fractures lang ang natamo niya. Malapit talaga sa disgrasya pag lasing ka tapos magmamaneho pa. "Hindi naman siya ang magmamaneho 'yung driver nila." Napa 'ahh' nalang kami at bumalik na sa pagkain. Nauna akong natapos kumain kaya't ako na ang nag-ayang maghugas ng mga pinggan. Natapos na din kami sa wakas, napalingon ako sa malaking orasan namin sa sala saktong 5:00 am na kaya paniguradong maaga pa kami. Tatapusin pa kasi namin ang project namin sa science second subject namin. Medyo may pagka-terror kasi 'yung prof namin na 'yun. Paglabas namin ay 'dun naghihintay si Terrence nakaabang sa labas ng sasakyan habang nakasilid ang mga kamay sa bulsa ng slacks nito. Kung pagmamasdan mo ay parang hindi galing sa aksidente. Lumapit naman si Rian sa kanya at niyakap siya kitang-kita ko kung paano niya bahagyang pandirian si Rian na masayang nakayakap sa kanya. Nakapagtataka lang halata namang ayaw niya kay Rian pero bakit naging sila? No offense meant, pero feeling ko ginagamit at sasaktan niya lang si Rian, naging importante na rin si Rian sa akin kaya ayaw kong masaktan siya sa huli dahil lang kay Terrence. One month simula nung maging close samin si Terrence dahil kay Rian siya pa nga ang nagpakilala sa 'The-oh-so-sweet-and-caring-boyfriend' niya 'kuno, eh hindi naman. Sumakay na kami sa puting van dalang sasakyan ni Terrence. Nasa unahan na pangdalawahan si Terrence habang kami namang apat ay nasa likuran. Nilingon ko si Rian na nakakapit sa braso ni Terrence, napapa-isip ako ano kayang feeling pag nagka-boyfriend? Basta nakaka sanaol kung hindi kagaya ni Terrence. Napatigil ako sa pag-iisip at napanlakihan ng mata habang nakaawang ang aking labi ng mapagawi ng tingin sa akin si Terrence at kinindatan pa ako. What the? Kaagad akong nag-iwas ng tingin ng lumingon sa banda ko si Rian. Tama nga ang chismis na playboy si Terrence. Tsk, tsk. kawawa naman ang best friend ko. Buong biyahe akong tahimik na nakaharap lang sa bintana ng sasakyan. Tumigil ito hudyat na naroroon kami na kami sa school. Unang lumabas si Terrence at pinagbuksan kami ng pinto. Ako ang huling nakalabas dahil sa nasa pinaka likod lang ako. Nag-abot siya ng kamay para tulungan ako pero hindi ko iyon tinanggap. Kitang-kita ko ang mga malisyang tingin ng mga kaibigan ko kay Terrence at sa akin. Tinignan ko si Rian na patay-malisya lang sa nangyayari pero hindi iyon maipagkakaila ng mga mata niya Ng umalis na ang sasakyan ay bigla nalang tumahimik ang presensya ng lahat. Sabay kaming pumasok sa gate at may kakaunting estidyante kaming nakakasabay. Usually 7:00 am nagsisimula ang klase ng lahat at dahil nga may kailangan pa kaming tapusin na project ay napaaga kami. "Nga pala Arky sis. Sa'n mo iniwan ang project natin?" Tanong ni Mina na nakapagbasag sa katahimikan. "Ay! Oo nga pala. Sa Unang Chem Lab doon sa likod na building yung may rooftop." Sagot niya kaya't lumiko kami ng daan at nagtungo sa likod na building. Ng makarating kami sa gilid ng building ay parang biglang tumaas ang dugo ko. "Ahhhh!!!" Napaiyak kaming apat at iniwas ang tingin namin dahil sa kaarumaldumal naming na saksihan. Isang lalaki ang naliligo sa kanyang sariling dugo at hindi nagkatugma-tugma ang kanyang mga buto sa katawan. Kaagad na tumakbo si Terrence at Erwan paalis upang humingi ng tulong. Habang kami naman ay umatras at umiiyak na nagyayakapan. Kahit si Arky na lalaking-lalaki ang katawan ay nanlambot, panay lang kami sa pag-iyak at paghingi ng tulong ng hindi umaalis sa kinatatayuan namin. Ilang oras pa ay pinalilibutan na kami ng mga tao kasama na ang mga pulis at ambulansya. Wala kaming imik habang naka sakay dito sa isang ambulance car. Naging kalmado kami dahil na 'rin tinurukan kami ng pang pakalma. "Girls are you all okay?" Si Terrence ang bumasag ng katahimikan sa amin. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at dahan-dahang tinangguan ang isa't isa. "Medyo n-natatakot ako b-babe..." Yumakap naman si Rian kay Terrence at humagulgol. Nag-aalangang tumingin sakin si Terrence bago yakapin si Rian kaya napa-iwas nalang ako ng tingin. Terrence is so weird and secretive. "Guys, parang natatakot na ako sa lugar natin." Ani Arky. "A-ako rin...N-nakak-katakot n-na." Ani Mina at nagsimula na naman siyang mag hyperventilate. Natakot kami at nilapitan siya habang si Erwan naman ay tumawag kaagad ng nurse na kanina'y nag aassist sa amin. Inagapan naman siya at bumalik sa normal ang paghinga niya. "Good Morning Nurse." May lumapit sa banda namin at kinausap ang nurse na nag-aasikaso sa amin "Sila ba ang mga batang unang nakasaksi sa biktima?" Tanong niya sa nurse kaya't napalingon ang nurse sa amin. "Opo, kami.. bakit po?" Tanong ko. Tumango siya at magsasalita na sana ng may isang matangkad na lalaki na mukhang ka-edad lang din namin ang pumunta sa harapan namin katabi ng lalaking nagtanong. Nakita ko kung paano ngumisi ang lalaking unang lumapit sa amin at tinapik niya sa balikat ang lalaking bagong 'rating lang. "Ikaw ng kuma-usap sa kanila kay chief muna ako tutal, bida-bida ka naman." Tumatawa itong umalis sa amin. "Shut up, Cluad!" The tall handsome guy hissed. "By the way," Tumikhim siya. "In be half of detective Armando Rix Orson, I'm Gryffin Fluer Orson and I'll be the one leading to this investigation. So please cooperate in the near future." He sounds calm yet demanding. Shet. G-W-A-P-O! I hid my giggle when I saw him shifted his gazed at my side. "Omy bakla nakatingin sakin..."bulong ni Arky sa tabi ko kaya napasimangot ako. Feelingera. Sa akin oy! "Tsk. Bida-bida nga." Pasimpleng bulong ni Terrence sa gilid pero rinig na ring. I return my gaze to Mr. Gwapo but he just shrugged off not minding Terrence words. "Well, please don't mind if I leave you all here. I have some errands to do in this case, I'll get going adios!" In just that he left us dumbfounded. Nagkatinginan kaming apat nina Arky, Mina, Rian at gumawa ng bilog habang iniinat ang kamay at iwina-wagayway. "Ang gwapo!" Sigaw namin "Mina! Babe.." Sinamaan niya si Mina ng tingin. "Totoo namang gwapo ahh.." Inosente nitang sagot habang nagpipigil ng tawa. Mas lalong bumusangot ang mukha ni Erwan kaya kaagad din siyang sinuyo ng jowa. "Tsk. Kalahi ni Jollibee, ampota!" Asik ni Terrence. "Bebe! I second the motion!" ani Rian. Napalitan ng tawanan ang katahimikan namin. Tila nakalimutan ang masamang nangyaring nasaksihan. ANG balita namin ay isinugod na ang bangkay sa morgue dahil sa mukhang kahapon ng gabi ito binawian na ng buhay. Nakakalungkot mang isip ang nangyari ngunit wala ng magagawa dahil nangyari na. Pinalibutan ang bahaging iyon ng 'Do Not Cross Sign' maging sa rooftop ay may nagmarkang dugo. Ng dahil sa nangyari ay isinuspende muna ngayong araw ang klase. Ang dating tahimik at mapayapang naming bayan ay sa isang iglap ay nabahiran na. Sino ngayon ang mag-aakalang dahil sa walang karahasan at krimen naging tanyag ang aming bayan. One thing is for sure. The new era of bloody stories had begun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD