3: Test with guest

1046 Words
Huazen POV (Jade POV) Tulad ng nais ng Lord ay naganap nga ang pagsususlit kinabukasan, ayon sa baron ay isinagawa ito upang alamin ang mga alam ko na, mga kaya ko nang gawin at hindi pa, upang ang maituro ay ang mga bagay na dapat ko pang matutunan Pagka gising sa umaga ay naantala ako sa aking pag bibihis nang dumating ang isang katulong upang ipaalam na dumating na ang maestro na susubok sa aking kakayahan sa litratura, matematika at iba pa Nagbihis ako ng walang pagmamadali at hinayaan na maghintay ang mga panauhin, hindi ko ginusto na dumating sila ng mas maaga kaysa sa napag-usapan, kaya naman hindi ko Inaba ang sarili na magmadali sa aking ginagawa Hindi rin naman nagtagal ay sinimulan na ang pagsusulit sa punong tanggapan, sa di malamang dahilan ay hindi lang ang aking mga magulang ang naroroon kundi ay may ilan pang bisita bukod sa sinasabing maestro Sa tingin ko ay naparito sila sa ibang dahilan, imposible naman kasi na naparito ang mga ito para lamang subaybayan ako sa aking pagsusulit, at pwede rin naman na konektado sa akin o sa resulta ng pagsusulit ko ang dahilan "Maupo ka Huazen" saad ni ama matapos kong mag bow ng bahagya Naupo ako sa itinuro ni ama na upuan na talaga namang nakalaan para sa akin dahil ako na lang ang nakatayo sa aming lahat sa loob ng silid na ito "May mga bisita tayo upang saksihan ang iyong unang pagsusulit sa loob ng anim na taon" saad ni ama 'akala ko pa naman nandito sila sa ibang dahilan ' 'hindi naman ako mandadaya ah, ba't andami ko namang bantay' ' hindi rin naman ako tatakas, bakit pa sila nandito eh bata lang naman ako na susubukin kung marunong bumasa at sumulat' 'Mukang narito sila para sa resulta ng pagsusulit, hindi ko gusto ang kutob ko sa nangyayari ngayon' Napabuntong hininga na lang ang aking ama ng mapansin nito ang walang reaksyon kong muka at kawalan ng balak na batiin ang mga bisita na tinutukoy niya " Maestro Galdo, simulan na ang pagsusulit" saad ng isang lalaki, ma authority ito mula sa postura at pananalita 'mukang hindi lang sila basta bisita, mga big timer ata ang mga ito' " Ang unang pagsusulit ay ang pagsusulat ng iyong pangalan, edad at mga bagay na alam mo patungkol sa historya ng ating mundo" saad ng isang matandang lalaki 'S'ya ang maestro?, bagay sa kanya, matandang puti ang buhok at nakasalamin' May inilapag ito sa mesa na nasa harap ko lang, isa itong patong ng mga papel, panulat at tinta or quill pen, bukod doon ay wala na at umalis na ito sa harapan ko Tinignan ko ang matanda na tila tinatanong kung seryoso siya sa kanyang sinabi, nagtaka pa ito sa uri ng aking tingin ngunit ipinagsawalang bahala niya lang at hindi ako pinansin Sa inis ko ay sinimulan ko na lang ang pagsusulat ng mga hinihingi niya niya kanina, pangalan: Huazen Ryousukei Vuerer, edad: anim at ang huli ay kaalaman Kaalaman: ang emperyo ng Elvidor ay dating kilala bilang emperyo ng Guan, ito ay itinalaga ng unang hari na si King Ryanosu(Ri-a-nos) tatlong daan at pitumpu't anim na taon na ang nakakaraan, kasama ang kanyang kabiak na si Jalesia na naging kanyang Reyna ng mga panahong iyon Humarap sa dalawang malawakang digmaan ang emperyo noon, digmaan laban sa emperyo ng Kaido, sa kapanahunan ng ikatlong hari na tumagal ng anim na taon, at digmaan laban sa emperyo ng Sezua na umabot ng apat na taon, naganap naman ito 225 years ago Isang taon Matapos ang digmaan laban sa Sezua ay namatay ang emperor ng Guan, pumalit ang unang prinsipe na si Prince Gaive Juangco, siya ang gumawa ng kasunduan sa ibang emperyo kapalit ng kapayapaan, at s'ya ring nagtalaga sa pangalan ng emperyo bilang Kaharian ng Elvidor, gayon din sa huling ngalan ng royal family, ayon sa talaan ay ginawa ito ng haring Gaive bilang tanda ng kapayapaan sa pagitan ng mga kaharian. Matapos magsagot ay ibinalik ko sa maestro ang papel na pinagsulatan ko, hidi maunawaan ang itsura nito habang binabasa ang aking sagot, kunot ang noo nito na hindi ko maunawaan "Kamangha-mangha" usal nito habang tulala sa papel na hawak........ Matapos ang basahin ay lumapit ang maestro sa aking ama at pinakita ang papel na sinagutan ko kani-kanina lang "Ehem, mukang marami ka na ngang natutunan" saad ng aking ama habang wala namang imik ang iba pa "Ang sunod na iyong sasagutan ay mga tanong matapos mong basahin ang isang kuwento" saad ng maestro sabay lahad muli ng isang papel Walang imik na kinuha ko ito at muli ay nagpatuloy ang pagsusulit na kung tutuusin ay mas lalo lang sa akin nagpapaburyo(bored) Maraming kung ano-anong uri ng tanong ang pinasagutan sa akin ng maestro at lahat iyon ay pinapakita niya sa aking ama Ang huling pagsusulit ay matematika ngunit inaantok na ako, magdamag akong nagbasa ng kung ano-anong aklat at madaling araw na nakatulog kaya wala pa akong maayos na pahinga Kanina pa ako inaantok at talagang makakatulugan ko ang pagsusulit kung mas uunahin pa nila ang kanilang kuwentuhan Nang makuha ko ang papel na naglalaman ng mga tanong sa matematika ay agad ko na itong sinagutan dahil sobra na ang antok na nararamdaman ko, tila nasobrahan ang katawan ko sa puyat kaya hindi na nito kakayanin pa 3×7= 21 4×4= 16 6×2= 12 5×3= 15 9×9= 81 30-10= 20 16-7= 9 21-8= 13 8-3= 5 50-16= 34 Bukod dito ay mayroon pang division at huli ang addition, sa huling tanong ay agad na bumagsak ang ulo ko sa mesa matapos isulat ang huling sagot Hindi ko man gustong ipikit ang mga mata ko ay hindi ko na napigilan pa at agad nang nakatulog Hindi naman masama ang aking pakiramdam, talagang inaantok lng ako dahil kulang ako sa tulog, pagod din ako dahil pinaglaruan ko ang aking mahika Gumamit ako ng ibat-ibang uri ng mahika upang subukan kung hanggang saan ang kaya ko at ito ang napala ko, puyat at pagod Rinig ko pa ang sigaw ni ama para tawagin ang mang-gagamot, ramdam ko rin ang mga kamay na humawak sa aking pisngi bago ako tuluyang makatulog at sakupin ng dilim.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD