Tumunog ang alarm ni Lea, tinignan niya ang mga message na ipinadala sa kanya nung umaga. Wala yung good morning na inexpect niya kay Alfred tuwing umaga. Nag follow up naman si Emily sa kanya tungkol sa lakad nila sa Market Market mamaya. " Sige kami lang ay mag aalmusal muna ni Ron, tapos gagayak na din kami". Ah, mabuti at ng marami tayong mapag uusapan, yung paulit ulit". haha. Natawa siya habang nag send ng laughing emoji kasi ganito talaga sila mag biruan. Ndi niya maipaliwanag kung saya o lungkot ang nararamdaman niya nung oras na yun, pero umaasa siya na sana nag improve na ang kalagayan ng pinsan niya.
Mas maaga silang nakarating ni Ron sa Market kaya nag picture muna sila sa lugar kung saan me fountain. Para na din silang asa ibang bansa dahil sa ganda ng background at merong mga ibong lumilipat sa paligid. Nakatuwaan niyang lagyan ng. caption " Enjoying life at Paris France Market Market". Ganito lang ka simple ang kasiyahan ni Lea, kaya ndi niya maintindihan kung bakit ganon na lang ang galit sa kanya ng misteryosang babae. Sa ngayon iniisip niya na malamang babae yung nagpapadala ng mga binatang kunwari ay interesado sa kanya. Sa edad ni Lea gusto na lang sana niya ng tahimik na buhay, pero batid niya me dahilan kung bakit nangyayari ang lahat.
Malayo pa lang ay natanaw na ni Lea si Emily, nakangiti ito sa kanilang mag ina ngunit halatang pumayat ito kumpara sa huli nilang pagkikita. " Uy ang pogi naman ni Ron. yung huling nakita niya ito ay nung dalawin niya ang mag ina sa bahay na tinutuluyan at nag meryenda sila sa lumian ni Aling Nena. Medyo matagal na rin pala, sa isip ni Emily. "Susunduin ko pa lang ang anak ko sa school, meron silang activity ngayon kaya ndi ko na naisama". Ngumiti si Lea kay Emily, musta ikaw ate?". " Eto, ganon pa rin, kumain na ba kayong mag ina?". Ahmn, ndi pa, wag ka mag alala ako naman ang maglilibre sayo, haha. " Hay, salamat ng marami, teka at pipili ako ng medyo mahal" sabay tawa ng malakas. Masaya si Lea na nakakasama niya si Emily, lalo at naririnig niya ang tawa nito.
" Dito muna kayo mag tita at oorder lang ako ng pagkain natin, kausapin mo muna si Ron, sabay kindat kay Emily." Sige sige ako ang bahala dito". Sumusulyap si Lea sa mag tita habang nakapila sa fastfood kung saan siya umoorder ng pananghalian nila. Nakita niyang ngumingiti si Ron habang kausap si Emily, minsang tumatango kaya batid niyang magaan ang loob nito kay Emily. Sobrang mahinahon magsalita ang kanyang pinsan lalo at sa.mga bata ito nakikipag usap. Nakita niya rin kasi kung gaano kabait ang mga anak nito at masunurin sa kanilang ina. Ilang saglit pa at na kumpleto na ang order nila at bitbit niya ito sa lamesa kung saan sila nakaupo. Masaya si Ron at nakita ang paborito niyang Bonchon meal na chicken with fries at softdrinks. Seafood naman ang inorder niya para sa kanila ni Emily. Pagkakain kinumusta niya ulit ang kalagayan ng pinsan, ngunit ngumiti lang ito at ndi nagsalita. Ndi maipaliwanag ni Lea pero kahit ndi magsabi si Emily batid niya ang iniindang sakit nito at naramdaman niya yun. " Thank you sa masarap na tanghalian", ngiti ang isinagot niya sabay pabiro niyang sinabi kay Emily" Sa susunod na magkita tayo ikaw naman ulit ang maglilibre sa amin, haha. " Walang problema", marahang banggit ng kanyang pinsan.
Ipinakita ni Lea kay Emily yung mga picture nila nung last year na birthday niya. Mula kasi ng lumipat sa Maynila, si Emily ang madalas niyang nakakasama sa mga okasyon, bukod syempre sa lola niya na ndi kinakalimutan ang birthday niya. Noong bata pa si Lea, madalas nakikisabay siya ng birthday celebration sa pinsan niyang si Zie, isang araw lang ang pagitan ng kaarawan nilang dalawa. Parehong Leo ang zodiac sign nila, pero mas naunang naging Lion si Zie kesa sa kanya. Siya kasi ay parang pusa lang. natawa siya habang iniisip na kahit mas matangkad siya kesa dito mas strong ang personality nito kesa sa kanya.. Mahiyain siya, introverted kumpara sa pinsan niya na kasing edarin niya. " Hoy, ang layo na naman ng iniisip mo" , tinapik siya ni Emily dahil tulala si Lea habang binabalikan ang mga larawan na pinapakita niya kay Emily." Meron lang akong naalala". Pag tuningin ka sa mga post mo sa f*******: maalala mo na nakasama mo ako, sa birthday mo, sa Tokyo Tokyo Japan, sa Paris France Market Market at sa Fort Venice Italy. haha. para na tayong nag around the world. " Ate ndi ko naman gusto makapag around the world. " Eh ano ang gusto mo sa ngayon. Nauna pa ang ngiti niya kesa salita. " Makabayad sa utang". Hagalpak sila ng tawa sa tinuran ni Lea.
Nakauwi na rin si Lea at Ron, at inihatid sila sa sakayan ng jeep ni Emily. Kumain lang sila ni Ron ng biniling donut saka natulog na ng maaga dahil medyo napagod na din sila sa pamamasyal. Ndi muling nag message si Alfred kay Lea nung araw na yun bagamat naka online ito ng buong araw. Inoobserbahan lang ni Lea kung sino ba ang maaring kausap nito o ka chat noong araw na iyon.
Walang good morning o kahit anong paramdam si Alfred kay Lea, kaya sinubukan niyang mag send ng message sa binata para malaman kung mag rereply ito sa kanya. Halos 30 mins na pero ndi pa rin nito binabasa ang message niya. Nakita niya na lang na nag offline na ito at napansin niya rin na kasabay nitong nag out din sa messenger ang isa sa mga friend niya sa f*******:. Ndi lang isa kundi ilang beses na parehong oras ang login at logout ng dalawa. Maari kanyang nagkataon lang o siya yung girlfriend na totoo ni Alfred.