Natapos ang pananghalian at umupo muna sila ni Alfred sa maliit na terrace ng bahay. Nakatingin sila sa mga bulaklak na tanim ng nanay ni Lea, sa munting paso nito na tinawag niyang hardin. Nagiging makulay ang palagid pag merong mga halaman at bulaklak. " Ang ganda di ba?, tanong niya kay Alfred. medyo lipad ang isip ng binata pero napansin niyang bahagya itong ngumiti sa kanya. Minsan gusto niyang magtanong ng mga bagay na personal, pero naisip niya baka ayaw na ni Alfred pagusapan pa yung mga bagay na tapos na. " Bakit kaya ndi na lang bumalik si Alfred sa pamilya niya". Ganon pa man, ndi na nya itinuloy ang magtanong dahil ang pagkakasabi kasi nito sa kanya, halos 10 years na niyang ndi nakakasama ang ex niya.." hinagod ni Alfred ang tiyan bilang patunay na nabusog siya sa masaganang tanghalian na niluto ng nanay ni Lea."Masarap pala magluto ang nanay mo, ngumiti si Lea tanda ng pagsang ayon sa binata." Uuwi ka rin ga sa Maynila mamaya? " Ndi ko pa sigurado, kaya nagdala ako ng damit, bahala na", me pagaalinlangan sa sagot ni Lea.
Nag ring ang fon ni Alfred kaya agad siyang nagpaalam kay Lea para sagutin ang telepono, ndi magkanda ugaga si Alfred habang kinukuha ang fon sa bulsa ng pantalon. Nakatingin lang si Lea dahil kitang kita sa mukha ni Alfred ang lubos na kasiyahan habang nakikipag usap sa telepono. Me pagkakataong sumusulyap ito sa kanya pero madalas ang tawa nito at me ningning sa mga mata ng binata na ndi niya napapansin pag sila ang magkausap. Tumingin na lang si Lea sa malayo dahil batid niya sobrang inlove si Alfred sa kung sino man ang kausap nito sa fon. Marahang bumalik ito palapit sa kanya, kumindat at saka nagsabing kung maari na siyang umuwi. Tumango lang si Lea at nagpaalam na si Alfred sa nanay at pamangkin niya. Inihatid niya sa labas, sa me sakayan ng tricycle, humalik sa pisngi sabay nag goodbye na ito sa kanya. Ndi pala madali na magkunwaring maayos lang ang lahat gayong ang isip at puso niya ay magkaiba ang nararamdaman. Mula ng tinanggap niya ang sitwasyon na ito, mas nilakasan niya ang loob niya dahil mahirap na ndi madevelop ang loob mo sa isang kagaya ni Alfred. Sobrang bagal lang ng lakad niya habang binabagtas pabalik ang daan patungo sa kanilang bahay. Naabutan niyang naghuhugas ng pinggan ang nanay niya.
" Meron na dyang notice mula sa pagibig, meron na daw nakabili nareng inyong bahay kaya binigyan na lang tayo ng ilang bwan para makahanap ng lilipatan". Nakakapang hinayang din dahil madaming masasayang okasyon ang naganap sa tahanan na yun. Birthday, graduation, pasko at new year. Marami din silang mga nakasamang kamag anak na nakituloy sa kanila at naging bahagi ng lugar na yun. Masaya ding balikan ang mga magagandang alaala, ganon pa man ang pagtangap natin sa mga bagay na ndi nakalaan sa atin ay mas mahalaga. " Ganyon talaga inay, maghahanap na lang ng malilipatan". Sa buhay mas mahalaga kung paano natin kinakaya ang mga pagsubok kaya importanteng me pananampalataya sa Diyos. Magiging mahirap sa isang tao kung sunod sunod ang pagsubok kaya madalas kelangan natin manalangin bago muling magpatuloy.
Umakyat na siya sa taas ngunit bago tuluyang humiga sa kama, sinilip niya muna ang kabilang kwarto kung saan napansin niya ang maraming librong nakalagay sa bookshelf ng kanyang nakababatang kapatid. Ndi masyadong mahilig mag basa ng libro si Lea, noong kapanahunan niya komiks ang binabasa niya. Naenganyo siyang buksan ang librong sinulat ni Dan Brown na pinamagatang " Da Vinci's Code" meron itong ikalawang aklat na "Angels and Demon". Batid ni Lea na mahihirapan siyang tapusin basahin ang ganito kahabang libro pero naging intresante ito para sa kanya dahil sa kasikatan ng mga aklat na sinulat ng iisang manunulat. Merong mga mysterio at mga bagay na madalas ay palaisipan sa atin, ngunit kung ang pananalig natin sa Diyos ay malakas ndi nito mababago ang ating paniniwala. Tumatalakay ang istorya sa relihiyon at mga secretong samahan. Pinagkibit balikat na lang ni Lea ang naunawaan niya sa buod ng istorya. Para sa kanya , kung magkaganoon na iba ang opinion ng manunulat sa kanyang pinaniniwalaan, ndi naman ibig sabihin na ito ay mali. Wala naman sigurong intensyong manghikayat ng pag aalinlangan sa mga nagbabasa. Natawa si Lea sa idea na kung maaari kaya siyang maging manunulat.? Naisip niya why not, haha, pero madami pa siyang kakaining kanin para mangyari yun. Natawa siya dahil "kanin" talaga ang ginamit niya. Syempre kasi nga kung bigas ey di ndi pa luto.
Me pamilyar na pakiramdam ang pagpasok niya sa sariling silid. Kaya ndi napigilan ni Lea na mapaiyak dahil nagbalik ito ng masaya at malungkot na alaala sa kanya. Andon pa rin ang image ni Jesus at Mary, andon din ang picture nila ni Ron. Gayong tanggap na niya ang sitwasyon nila, ndi naman maalis na makaramdam ka pa rin ng lungkot .Ang pag move on naman ay ndi nangangahulugan na ndi kana maiiyak, ngunit kaya mo ng tanggapin ang sitwasyon ng me pagpapatawad sa sarili at sa iba. Sa isang ndi nag workout na relasyon kelangan alam natin na ndi ito nangyari na kasalanan lang ng isa kundi ng pareho. Maari din naman talaga lang na ndi ito para sa atin. Magkaganoon pa man kung merong pagpapatawad mas madali ang pag move on. Nakita niyang nag message sa kanya si Emily." Musta na ikaw Lea, off mo ba ngayon?" " Oo ate, andine ako sa Sampaguita, pinuntahan ko ang mga inay". " Mabuti Yun ah, musta na ang tiya?, ayos naman, masipag pa rin. Tawa ang isinagot ni Emily dahil sapul magaling sa mga gawaing bahay ang kanyang inay. " Anong niluto ng tiya na ulam? " Kaldereta at adobo. " Wow sanay nakasama ako". haha.. next time na lang kung ndi pa naremata ng pagibig ang bahay. " Hay, hayaan mo Lea, makakaraos din". " Oo naman ate". Kinuha niya ang earphone at nakinig ng music sa fon niya. Madalas sinasabayan niya ang mga kanta, ndi man ganon kaganda ang boses niya, nalilibang naman siya at yun ang mahalaga.