Para-paraan lang Cedric?

1553 Words

Medyo madilim na rin nang makabalik ang mag-asawang katiwala. Sa tabing dagat doon sila naglagay ng mesa. Nag-iihaw si Cedric ng barbecue habang si Thea naman ay naglalagay ng gatong sa bonfire. Mayamaya pa, bumalik si Mang Tony dala ang emergency light kasunod ng asawa niya na may bitbit na basket ng mga pagkain. Agad na tumayo ang dalaga at sinalubong niya ang mga ito. “Dito na rin po kayo kumain. Hindi po namin kayang ubusin ang mga ‘yan,” ani Thea habang inilalatag ang laman ng basket sa mesa. “Naku! Ma’am, nakakahiya naman po. Sa bahay na lang po kami kakain. Naghihintay rin po kasi sa amin ang mga bata,” sagot ng asawa ni Mang Tony na si Aling Maria. Muling umalis si Mang Tony at sa pagbalik nito may dala na itong adobong pusit at Buttered Shrimp with garlic. Napa-wow si Thea. Kahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD