The Pain of Losing Dear Ones

1080 Words
Apat na buwan nang nakalilipas nang magkaayaan ang barkada niya na mag-camping sa Bamboo Hill Nature sa Antipolo. Mga fine arts graduates kasi sila kaya mahilig silang dumayo sa magagandang lugar para roon humugot ng inspirasyon para makagawa ng magandang obra. Dahil sa kakuparan niyang kumilos naiwanan siya ng service bus kaya pinilit niya ang kuya niya na ihatid siya papunta sa camping site. “Kuya, naiwan ako ng bus. Ihatid mo naman ako, oh,” lambing niya sa kuya niya na noo’y nakahiga sa kama. Masama kasi ang pakiramdam nito. “Huwag ka nang sumunod sa kanila. Mag-camping na lang tayo nextweek, sama natin si Jeff.” “Kuya, please! Maganda raw do’n, eh. Sayang naman kung hindi ako makakasama. Kahit sa sakayan mo na lang ako ng bus ihatid. Magpapa-guide na lang ako sa kanila kung paano papunta ro’n,” aniya na yumakap pa sa kuya niya. “Oo na, sige na! Ihahatid na kita. Pero hindi sa terminal. Baka mamaya niyan saan ka pa mapadpad.” Bumangon ang kuya niya para magbihis pero bigla itong natigilan. Napahawak ito sa dingding habang nakasapo sa noo. Nag-aalalang nilapitan niya ang kuya niya. “Kuya, are you okay? Kung masama ang pakiramdam mo, sige ‘wag mo na akong ihatid. Magko-commute na lang ako,” aniya. “No! Hintayin mo ko sa labas magbibihis lang ako.” Natutuwang yumakap siya sa leeg ng kuya niya atsaka siya humalik sa pisngi nito. “Thanks, Kuya! You’re the best kuya in the whole world talaga! I love you.” Nangiti ang kuya niya atsaka ginusot ang buhok niya. “I love you too, Bunso.” Maayos naman siyang naihatid ng kuya niya sa camping site. Pero nang paalis na ito napansin niyang medyo namumutla ito at panay ang himas sa dibdib. “Kuya, okay ka lang? Kaya mo ba’ng mag-drive pauwi?” aniya na hindi maiwan-iwan ang kapatid. “Okay lang ako. Sige na! Mag-enjoy lang kayo riyan. Mag-iingat kayo, ha?” kinabig siya nito atsaka niyakap nang mahigpit. Bago ito tuluyang umalis humalik pa ito sa noo niya. Walang kamalay-malay si Thea na iyon na ang huling halik ng kuya niya sa kanya. Wala pang tatlumpong minutong nakakaalis ang kuya niya nakatanggap ng tawag si Thea mula sa numero na hindi nakarehistro sa cell phone niya. “Hello, Ma’am. Si Police Inspector Trias po ito ng Antipolo Rizal. May kilala ho ba kayong Thirdy Valdecañas?” bungad ng lalaki na tumawag kay Thea. Biglang kumabog ang dibdib ni Thea. Nabalot ng lamig ang buo niyang katawan. “O-Opo. Bakit po, Sir? Ano po ang nangyari sa kuya ko?” nanginginig na ang boses na tanong ni Thea. Nanginginig na rin ang mga kamay niya noon sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. “I’m sorry, Ma’am. Naaksidente po ang kotseng sinasakyan ng kuya niyo.” Tila nauupos na kandila na napaupo si Thea. Tila lumipad kung saan ang isip niya at hindi na niya naiintindihan ang sinasabi ng pulis. “Thea, are you okay?” tanong ng kaibigan niyang si Julie na agad umalalay sa kanya. Agad namang inagaw ni Jack ang cell phone niya. Napatakip sa bibig si Jack nang marinig na wala na ang kuya ni Thea. “Oh, my God!” sambit nito. Nangingilid ang luhang nagtaas ng tingin si Thea. “Buhay pa ang kuya ko ‘di ba? Tara na guys! Puntahan natin si Kuya,” tila wala sa sariling tumayo si Thea at nagtatakbo palayo sa kanila. Agad naman siyang sinundan ng mga kaibigan niya. Pagdating sa hospital halos hindi maihakbang ni Thea ang mga paa papalapit sa kama kung saan nakahiga ang kuya niya at wala nang buhay. Halos hindi niya makilala ang kuya niya dahil sa natuyong dugo na tumakip sa mukha nito. “Kuya!” nanginginig ang boses na sambit niya habang inaalalayan siya nina Julie at Jack papalapit sa kama. “Kuya, please! Bumangon ka riyan,” umiiyak na sabi niya habang niyuyugyog niya sa balikat ang kuya niya. Hindi siya na nainiwala na patay na ito kaya pilit niya itong ginigising. Para siyang sira na idinagan sa dibdib ng kuya niya ang mga kamay niya gaya ng ginagawa ng sa first aid at pilit niya itong binibuhay.”Kuya, please! Gumising ka!” Hilam na sa luha ang mga mata niya pero ayaw niya pa ring paawat sa ginagawa. Nang mapagod siya tila wala sa sariling niyakap niya ang kuya niya. Mahigpit na mahigpit na tila ayaw niya itong pakawalan. “Kuya, please! Huwag mo akong iwan! Nakikiusap ako. Bumalik ka sa akin.” Hilam na rin sa luha ang mga mata ng mga kaibigan niya na noo’y walang magawa kundi panoorin ang pagtangis niya. Partly, sinisisi rin ng mga ito ang sarili. Dahil kung hindi nila iniwan si Thea hindi sana ito magpapahatid sa kuya nito at hindi sana nangyari ‘yon. “I’m sorry, Thea. Dapat pinahintay ka na lang namin sa bus. Hindi na sana naaksidente si Kuya Thirdy,” ani Julie nang lumapit sa kanya. Nasa labas na sila noon ng emergency room at naghihintay sa paglabas ng labi ng Kuya niya. Hindi umimik si Thea na noo’y naksubsob lang sa dibdib niya habang yakap niya. Ang dapat sanang masayang bonding nilang magkakaibigan nauwi sa isang trahedya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang dalaga noon. Muling nanumbalik sa alaala niya ang mga masasakit na nangyari sa buhay niya. Dala ng pinaniniwalaan niyang kamalasan. Daig niya pa kasi ang isinumpa, na lahat ng taong mahal niya ay mawawala. Nagsimula ang lahat nang mamatay ang boyfriend niyang si Daniel noong third year high school siya. Namatay ito sa pagtangkang sagipin siya noong muntikan siyang malunod sa beach. Nang sumunod na taon namatay naman ang parents niya sa isang plane crash. Pinilit kasi ng mga itong humabol sa birthday party niya mula sa business trip ng mga ito sa Bangkok. At ang huli nga ay ang kuya niya na hindi niya inaasahan na kukunin din sa kanya nang ganoong kaaga. Ang lahat ng iyon nangyari dahil sa pagmamahal ng mga ito sa kanya. Sa paglipas ng mga araw at buwan tila walang nagbabago sa sakit na nararamdaman niya. Thirty years old palang ang Kuya Thirdy niya. Napakabata pa nito kung tutuusin para mamatay. Ang dami pa nilang pangarap magkapatid. Magtatayo pa sila ng art gallery ng kuya niya at popondahan pa nito ang first ever art exhibit niya. Pero lahat ng iyon kasamang naibaon ng kuya niya sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD